Dingdong Dantes pinuri si Beauty Gonzalez sa performance nito sa ‘I Can See You: AlterNate’

NAGBABALIK sa primetime ang nag-iisang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes via the new installment of ‘I Can See You‘ on its season 3 premiere episode ‘AlterNate‘. Nag-umpisa na ang programa noong January 10, 2022 na kapalit ng ‘The World Between US’ nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Dingdong Dantes pinuri si Beauty Gonzalez sa performance nito sa 'I Can See You: AlterNate'
Dingdong Dantes and Beauty Gonzalez

Sa ‘AlterNate’ ay mapapanood natin si Dingdong playing dual roles na sina Michael at Nate, na kung hindi kami nagkakamali ay first time niyang gawin. Maliban dito ay first time din natin mapapanood ang pagtatambal nila ni Beauty Gonzalez, who will play the role of Shiela, the wife.

Sa kanyang Instagram post ay pinuri ni Dingdong ang kanyang bagong leading lady, na malaki ang naitulong upang maitawid niya ang pagganap ng dual characters.

Aniya, “Portraying two characters in one narrative who would appear as twins is no easy task, but having brilliant actors in this journey with you makes the job more fun and doable,”

“Beauty Gonzalez showcases a stellar performance as she portrays Sheila, a principled woman caught in the middle of a whirlwind bromance between adult twins who had just met. She portrays a strong, confident, and beautiful wife who unknowingly feels drawn to her husband’s twin,” Dingdong shared.

Ang AlterNate ay kuwento ni Nate, isang mayamang lalaki na inampon ng isang pulitiko kaya nabuhay sa isang marangyang buhay. Well-educated at ang kanyang asawa ay si Shiela (played by Beauty Gonzalez) na nakakaramdam ng kakulangan sa kanilang pagsasama.

Masasangkot si Shiela sa isang kakaibang love triangle sa pagpasok ni Michael sa kanilang buhay. Interesting ‘diba?

Mapapanood tuwing 8:50 gabi-gabi sa GMA Primetime ang ‘I Can See You: AlterNate’. Kasama rin sa cast sina Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Joyce Ching,Bryan Benedict, Yan Yuzon, at Jude Gonzales