Dingdong Dantes, pinupuntirya si Sunshine Dizon?! – Ruben Marasigan

ADVERTISING

Dingdong Dantes, pinupuntirya si Sunshine Dizon?! - Ruben Marasigan

Dingdong Dantes, pinupuntirya si Sunshine Dizon?! - Ruben MarasiganDUMARAMI ANG NAGKAKAGUSTO sa paingay nang paingay na tambalan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Pinoy remake ng Korean series na Stairway To Heaven.  Nagiging kapansin-pansin din ang unti-unting pagiging close na ng dalawa na nagiging ugat naman ng intrigang ikinaaalarma naman daw ngayon ni Marian Rivera.

ADVERTISING

Usap-usapan lately na napapadalas diumano ang pagtawag at pagti-text nitong si Marian kay Dingdong sa araw-araw na dumaan.  Animo’y tsini-check ng dalaga ang bawat galaw ng actor, kung nasaan ito, ano’ng ginagawa, sino ang kasama, etc. etc.

Ewan lang kung gaano rin katotoo ang karagdagang tsismis din na nasagap naming na kahit sa set daw at taping ng Darna kung saan bida si Marian, may mga pagkakataong tila balisa raw ito na parang may kung anong kinababahala o gumugulo sa kanyang isip kaya hirap mag-concentrate.

[ad#post-ad-box]

‘Yong ganda’t kaseksihang iyon ni Marian, makararamdam pa ng insecurity ang actress na baka mahumaling pa sa iba ang boyfriend niyang si Dingdong?

ADVERTISING

Parang hindi yata gano’n ang pagkakakilala namin kay Marian, huh!

ISANG VERY RELIABLE source naman ang nagkuwento sa amin— hindi raw si Rhian Ramos ang dapat pagselosan ni Marian kung saka-sakali kundi si si Sunshine Dizon!

Si Sunshine daw kasi ang totoong nililigaw-ligawan ni Dingdong Dantes.  Simula’t sapul daw kasi ay very close na ang dalawa and since then ay consistent umano ito sa pagpaparamdam.  Na every now and then ay panay raw ang padala ni Dingdong ng kung anu-anong sweet messages sa dalagang anak ni Dorothy Laforteza.

Yes! Kahit may Marian Rivera nang girlfriend si Dingdong, hindi pa rin daw natitigil sa pagpaparamdam itong si Dingdong kay Sunshine.

“Si Antoinette Taus pa ang girlfriend ni Dingdong, pinupormahan pa rin niya si Sunshine,” kuwento ng aming source.  “Kahit sa panahong si Karylle na ang girlfriend niya, o nito ngang sila na ni Marian ngayon, nagpaparamdam pa rin siya.”

Panahon pa raw kasi ng na magkakasama sina Sunshine, Dingdong at iba pang teenstars sa Viva Films, very close na raw ang dalawa as friends pati ang kani-kanilang pamilya.  Na hindi naman daw nakapagtataka dahil pareho silang taga-White Plains.

Pero kahit madalas daw magpalipad-hangin itong si Dingdong kay Sunshine, hindi umano nagkaroon ng interes ang huli na seryosohin ang panliligaw sa kanya ng binata.  Mas nangingibabaw raw kasi sa aktres ang parang kapatid lang na turing niya rito.

Gano’n pa man, talagang hindi raw paaawat sa pagpaparamdam si Dingdong kahit ilang beses na nagkaroon din ng boyfriend si Sunshine.  Even until now raw talaga.  Text nang text pa rin daw ito ng sweet messages kay Sunshine.  Lalo na raw sa mga sandaling lasing ang actor,  mas nag-e-effort daw itong mag-text ng sweet messages kay Sunshine na deadma pa rin daw kasi nga ay brother ang turing niya rito.

Ang haba ng hair ni Sunshine, huh!  Maging tinik sa dibdib kaya siya ni Darna, este ni Marian?

Hala!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING