Dingdong Dantes, pinakakain lang ni Zanjoe Marudo ng alikabok

Dingdong Dantes, pinakakain lang ni Zanjoe Marudo ng alikabok

Dingdong-Dantes-Zanjoe-MarudoPOOR DINGDONG Something. Parang wala na siyang magic. Parang hindi na magandang paandar ng kanyang network ang Primetime King title niya.

We’re saying this because sadsad sa ratings ang bagong primetime series ni Dingdong. Can you imagine, isang Zanjoe Marudo lang ang tumalo kay Dingdong Something.

Nang mag-pilot ang Pari Koy ni Dingdong ay kumain ito ng alikabok sa rating. Sa tala ng Kantar Media ay nakakuha ng 32.5% ang Dream Dad nina Zanjoe and Jana Agoncillo, samantalang 17% lang ang nakuha ng Pari Koy noong pilot episode nito. Imagine, almost 16% ang lamang ng teleserye ni Zanjoe sa soap ni Dingdong.

In its March 10 survey naman ay tinalo na naman ni Zanjoe si Dingdong when the former’s soap earned 33.9%  against the latter’s 15.7%.

Dingdong’s fans and cheerleaders will surely contest this by saying na ano naman ang laban ng show ng idol nila, eh, isang linggo pa lang ito sa ere.

Teka, hindi ba’t Primetime King ang idol n’yo? Anyare? Bakit hindi n’yo sinuportahan ang idol n’yo?

Ano naman kaya ang masasabi ni Shebangs Garcia na cheerleader ni Dingdong Something?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas