Dingdong Dantes, para sa anak ang wish sa kanyang kaarawan

ADVERTISING

Dingdong Dantes, para sa anak ang wish sa kanyang kaarawan

Dingdong Dantes And Marian Rivera With Baby Zia
Dingdong Dantes And Marian Rivera With Baby Zia

Ayaw na raw ng magarbong birthday celebration, kung hindi simpleng selebrasyon lang daw ang gusto ni Dingdong Dantes para sa kanyang kaarawan.
Hindi tulad ng dati na bongga at magarbo ang kanyang pagseselebra ng kanyang kaarawan, nagbago raw ito nang magkaroon na ito ng anak.

At ngayon nga sa kanyang kaarawan, pinauubaya na lang daw nito sa kanyang asawang si Marian Rivera ang magiging selebrasyon ng kanyang birthday.

Hindi na nga raw para sa kanyang sarili ang kanyang wish, kung hindi para sa kanyang napakagandang anak. “Well, for our daughter to grow up well, healthy, and be a good person.”

Wish din daw nito na magkaroon na ng another baby. “It’s has always been in my wish list. But whatever God gives us will be okey.”

ADVERTISING

Magandang birthday gift nga raw kay Dingdong Dantes ang kanyang bagong primetime teleserye sa GMA, kung saan makasasama niya si Miss World Megan Young, Andrea Torres, at Ms. Jaclyn Jose with Sid Lucero, Paolo Contis, John Feir, at marami pang iba. Ito ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING