Dingdong Dantes, nagtipid sa kanyang birthday?!

ADVERTISING

Dingdong Dantes, nagtipid sa kanyang birthday?!

 

ADVERTISING

Dingdong Dantes, nagtipid sa kanyang birthday?!WALANG MAGARBO O malaking selebrasyon si Dingdong Dantes kaugnay ng kanyang birthday kamakailan. At choice umano niya ito for a change.

Nag-road trip lang daw sila nang konti ng girlfriend niyang si Marian Rivera, kasama ang iba pang malapit sa kanya. They went out of town na ayaw na niyang sabihin kung saan. Basta somewhere daw in Luzon na hindi kalayuan sa Metro Manila .

“Nag-call lang kami kung sino ang gustong sumama. Tapos convoy-convoy. Marami-rami rin naman ang sumama,” aniya. “And ang importante, ‘yong mga nandon ay ‘yong mga gusto kong makita at makasama.”

ADVERTISING

Ano ang gift sa kanya ni Marian?

“Marami siyang regalo. May isa siyang matinding regalo sa akin na ayoko nang sabihin kung ano. Pero ‘yong pinaka-memorable ay ‘yong presence niya. ‘Yong pagluluto niya ng mga napakasarap na putahe para sa aming lahat. May caldereta, may sinigang, at kung anu-ano pa.”

Hayyy! Ang sweet naman pala ni Marian!

Ganyan ba ang iniintrigang on the rocks na raw ang relasyon?

HAPPY SI CHRISTIAN Bautista na nagkaroon siya ng pagkakataong makauwi ng Pilipinas para sa premiere ng kanyang Indonesian-produced movie. ‘Yon nga lang, he was just here for a couple of days at pagkatapos ay balik na kaagad siya sa Singapore kung saan he’s doing Kitchen Musical.

“I’m happy that  I’m  back,”  aniya sa interview namin. “It’s good to be here. And this is important to me… itong movie na ito. It’s really close to my heart.

Nangiti siya nang matanong namin kung kumusta na ang kanyang lovelife.

“Lovelife ko… I’m single. Ah… I don’t believe in long distance relationships. That’s why I usually don’t start relationship.”

Kung gugustuhin niya, puwede naman siyang makahanap din ng special someone habang nasa Singapore siya, ‘di ba?

“Why not?  Uhm… you know if you fall inlove in one country and if your love is stronger than the distance, that’s it.  So siguro… hindi ko pa nakikita ‘yon.”

Si Garie Concepcion na anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, medyo inili-link sa kanya ngayon. What’s the real score ba sa pagitan nila?

“I’ve heard about that!” na ngiting sabi ni Christian. “Nakita ko siya sa Twitter. Tapos in-interview raw siya ni Kris (Aquino), sabi bagay kami.

“I haven’t really met her. I wanna meet her. I hope I do.

“Pero… what’s so funny with Kris is sini-set up niya ako palagi. Ha-ha-ha!

“But I adore her. I love Kris.”

Kumusta sila ng ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go?

“We’re okay. We’re friends.”

For sure, nabalitaan niya tungkol sa break up nina Rachelle Ann at John Prats?

“When I was in Singapore , nabalitaan ko nga na break na sila. I was sad. I was sad. Kasi… any break up is hard.

“Pero kami naman ni Rachelle, lagi kaming magkaibigan. Whether meron siyang boyfriend o wala. Yeah, nagkakausap kami. Kuwentuhan lang. Kumustahan lang.

“Hanggang kailan ako loveless? We’ll ne-ver know. Sa ngayon, e… I don’t wanna rush into anything.”

Ganyan?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING