Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa December na ang kasal?

ADVERTISING

Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa December na ang kasal?

Marian-Rivera-Dingdong-DantesMALAPIT NA raw ang announcement ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pinag-uusapan na ngayong taon nga raw ang kasal, na ang duda ko sa December ng taong ito.

Noon pa man napag-uusapan na namin ni Marian kapag nagkakasabay kami sa shop ni Bambbi Fuentes, ang gusto raw niya talaga December at sa simbahan gagawin.

Ganu’n din naman ang gusto ni Dingdong na sa totoo lang, matagal na niyang gustong pakasalan si Marian.

ADVERTISING

Kung matutuloy nga ito sa December, baka totoong sa may Immaculate Conception sa may New York, Cubao gagawin dahil may soft spot daw kay Dingdong ang simbahan na ‘yun.

Doon sa Cubao kasi siya lumaki, at doon sa simbahan na ‘yun siya bininyagan.

Naku! Kung doon nga sila magpapakasal, masasara ang buong kalye tiyak dahil sa pagkakaguluhan ito ng mga tao.

Sabi pa naman ni Marian na kung ikakasal siya, gusto niyang open ito sa publiko para sa mga fans niya.

Mahal na mahal niya ang mga fans niya, kaya gusto niyang maging bahagi sila sa importanteng araw ng buhay niya.

Napag-uusapan pa lamang ‘yan ha? Mga haka-haka pa lang base ‘yan sa mga nakaraang interviews nu’n at pakikipag-usap namin sa dalawa.

Mas mabuting abangan na lang natin ang announcement nila sa kasal na ‘yun.

May narinig na nga akong gagawa ng wedding gown, pero siguro mas okay na hintayin na lang natin ang buong detalye.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING