Dingdong Dantes at Marian Rivera, ipinagtanggol ng scriptwriter laban sa bashers

Dingdong Dantes at Marian Rivera, ipinagtanggol ng scriptwriter laban sa bashers

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraIPINAGTANGGOL NG GMA-7 scriptwriter na si Suzette Doctolero sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Matinding bashing kasi ang inabot ng magdyowa dahil sa kanilang wedding which is to many people ay ostentatious.

“Huwag nang pagdiskitahan ang DongYan. Pera nila yan at pinaghandaan nila ang nagdaang wedding nila ng higit sa 2 taon (O higit pa. Natatandaan ko, katatapos lang ng Amaya nang binanggit sa akin ni Marian na pinaghahandaan na nila ang paglagay nila sa tahimik kaya nais niyang samantalahin ang pagkakataon na magtrabaho pa ng husto bago siya magpakasal. I know DD since 17 siya, kilala kong masinop ito sa pera pero gumastos siya para ibigay kay Marian ang kasal na nararapat para sa kanyang wife. Hindi ba dapat pa nga silang gayahin? Lalo’t lumagay sila sa tahimik sa tamang edad na kaya na nilang gumastos para sa sarili nila at sa magiging pamilya? Kesa sa ilang nagpapakasal na ni walang pangkasal pero ang lalakas ng loob na magpamilya). Mas magalit tayo sa mga pulitikong winawaldas at kinakamkam ang pera ng kabang bayan dahil sila ang totoong insensitive, mga kapalmuks at offensive,” came Suzette’s defense on the couple.

Actually, naimbiyerna lang naman ang madlang pipol sa social media because the lavish wedding was rammed into the collective throats of the public. Lahat kasi ay naka-announce – the P2 million wedding gown, the P7 million wedding cake, the P30 million wedding. And naging dating tuloy ay nagyayabang. It was very nouveau riche.

No offense meant, ha? But Assunta de Rossi wore a Vera Wang wedding gown. Vera wearers included Hollywood superstars like Sharon Stone, Uma Thurman, Jennifer Lopez, Jennifer Garner, Mariah Carey, Jessica Simpson, Avril Lavigne, Thalia, Victoria Beckham, Holly Hunter, Sarah Micehelle Gellar. But Assunta never played it up. Casual lang siya, hindi nagyabang.

If the couple was bashed, it was because they allowed media to hype their wedding and make it appear that it was the wedding to end all showbiz weddings. Eh, hindi naman, eh. They will never equal nor surpass the Sharon Cuneta-Gabby Concepcion wedding in terms of oomph and pageantry. Maging sa dami ng fans na dumalo, hindi nila matitibag ang record nina Sharon at Gabby, ‘no!!!

Kapuri-puri ang pagdo-donate nina Marian at Dingdong ng cash gifts nila sa charities, pero sana ay hindi na iyon in-announce sa media. Hindi naging maganda ang dating niyon sa mga tao. Para sa marami, parang ipinagyayabang nila na kaya nilang ibigay sa mga nangangailangan ang perang nakalaan para sa kanila dahil rich na nga sila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas