Dingdong Dantes at Marian Rivera, ayaw patulan ang nagne-nega sa kanilang kasal

ADVERTISING

Dingdong Dantes at Marian Rivera, ayaw patulan ang nagne-nega sa kanilang kasal

Dingdong-Dantes-Marian-RriveraAYAW NANG patulan ng patulan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nagne-nega sa nalalapit nilang pagpapakasal.

May isang feng shui expert kasi na nagsalitang hindi raw maganda ang araw ng December 30  para kina Marian at Dingdong.

Ang suggestion pa niya, dapat magkaroon daw muna ng isang seremonya bago itong araw mismo ng kanilang kasal.

Ang sabi naman ni Dingdong, ang mahalaga raw sa kanila ay ang commitment nila sa Panginoon. Kahit anong petsa pa raw ‘yan basta may basbas ng Diyos, doon daw sila.

ADVERTISING

Dati naman daw ay sumusunod sila sa pamahiin, pero ngayon ay mas naniniwala sila sa kanilang pananampalataya sa Diyos.

Kunsabagay, marami talaga ang nangyayari bago matapos ang taon. Pero kung buo naman ang paniniwala mo sa Diyos, hindi ka na matatakot, at hindi mo na iisipin kung ano ang sasabihin ng feng shui.

Plantasado naman halos lahat sa kanilang kasal at meron na nga akong tela para sa isusuot ko no!Kaya huwag na lang i-nega pa.

Basta masaya na ang lahat, at walang ini-nega. Huwag na lang pansinin ang mga intriga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING