Dingdong Dantes at Marian Rivera, abala na sa paghahanda sa kasal

ADVERTISING

Dingdong Dantes at Marian Rivera, abala na sa paghahanda sa kasal

Marian-Rivera-Dingdong-DantesNAGSISIMULA NA sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paghahanda sa kanilang kasal sa December 30.

Touched naman ako sa kanila, dahil hindi nila ako kinakalimutan.

Pero sa gitna nang kaabalahan nila sa paghahanda ng kasal, nagagawa pa nila ang ibang activities nila. Gaya ng mga activities ni Dingdong sa Yes Pinoy Foundation at ang posisyon niyang Commissioner-at-Large na kung saan pormal na siyang nanumpa sa Malacañang nu’ng kamakalawa lang.

Nakatutuwa nga na kasama niya si Marian doon at ang Mommy niya. Kaya wife na wife na talaga ang drama ni Marian na katabi  niya si Dingdong nang nanumpa siya kay PNoy.

ADVERTISING

Ang isa pang paghahandaan ni Dingdong ay ang hosting niya sa Starstruck.

Magsisimula na ang audition ng Starstruck at alam ko sa January pa ito magsisimula ng ere sa TV, kaya tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya pagkatapos ng kanilang kasal.

Sabi naman ni Marian, balik-trabaho daw sila at saka na raw nila pag-isipan kung saan sila magha-honeymoon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING