Dingdong Dantes, malaki ang tampo sa producer ng pelikulang ‘di napunta sa kanya

Dingdong Dantes, malaki ang tampo sa producer ng pelikulang ‘di napunta sa kanya

Dingdong-DantesMAY TAMPO pala si Dingdong Dantes kina Dondon Monteverde na partner niya sa pelikulang Kubot nu’ng nakaraang MMFF.

Ang kuwento, nabasa ni Dingdong ang script ng movie project na Ponzi na ididirek ni Erik Matti.

Sabi raw ni Dingdong, sa kanya na ibigay ‘yun at gustung-gusto niyang gawin. Pero hindi naman napunta sa kanya. Kay John Lloyd Cruz ito ibinigay at nagsimula na nga silang mag-shooting.

Siyempre, na-hurt daw si Dingdong dahil hindi man lang siya pinagbigyan sa request niya o kinausap man lang na ibang project na lang ang ibigay sa kanya.

Sabi niya sa mga reporters sa presscon nu’n ng bagong drama series niyang Pari Koy, “It is very unfortunate that it happened. But I’m fortunate that I found out right now the people whom I should really be dealing with.”

Ano ‘to hindi na siya makipag-co-produce kina Dondon?

Sana napag-usapan nila nang maayos ‘yan para hindi na lumaki ang gap.

Pero mabait naman si Dingdong, at ganu’n din naman si Dondon. Tingin ko magkaayos din sila.

Nakarating nga kay Dondon itong tampo ni Dingdong, hindi na muna siya nagsalita. Palamigin daw muna niya ang isyu bago sila magkausap siguro.

Sa Lunes na pala magsisimula itong Pari Koy pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis