Dingdong Dantes, lilipat na ng network?!

ADVERTISING

Dingdong Dantes, lilipat na ng network?!Dingdong Dantes, lilipat na ng network?!HELL HATH no fury like a woman scorned ba ang drama ni Maricel Soriano kaya naman umeksena ito nang hindi maganda noong first taping nila ni Gerald Anderson.

If rumors were to be believed kasi, parang nagkagusto raw itong si Marya sa anak niya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

It all started daw when Gerald gifted her a necklace noong Christmas. Apparently, Maricel took it to mean na may gusto sa kanya si Gerald.

Before the taping, Maricel invited daw Gerald sa condo niya and made some moves na ikinagulat daw ng young actor. Ang chika, parang she tried to seduced Gerald daw but her effort proved futile dahil hindi raw siya pinatulan ng young hunk.

And when the first taping day came, ayun, bigla na lang daw nagkaroon ng outburst itong si Marya, much to the surprise of the people in the production, cast and crew members.

ADVERTISING

True ba ito, Maricel? Pakisagot nga.

TORN BETWEEN two lovers si Dingdong Dantes sa Pahiram ng Sandali as he fell in love with two women, kay Max Collins na girlfriend niya at kay Lorna Tolentino na boss niya.

When we asked him kung nangyari sa totoong buhay na he was torn between two women, magaling na nagpalusot ang actor.

“Oo naman me ganoon kapag siyempre family mo na ang involved at saka ‘yung nililigawan mo, ‘di ba? Noong bata ako sasabihin ng mommy ko, ‘wag ka munang umalis kasi may family affair tayo’, Siyempre torn ka,” paliwanag ni Dingdong.

Handa na ba siyang magpakasal kay Marian Rivera?

“Hindi ko alam. Basta nu’ng tinanong ako as early as 25 ay ready na naman ako, eh. Masaya naman ako sa ngayon kung ano ang meron. Kailangan ba talaga?”

Hindi ba naiinip ang beauty ni Marian sa relasyon nila?

“Tingin ko hindi rin naman, eh. So far nakikita ko naman na ini-enjoy niya kung ano’ng biyaya ang ibinibigay sa kanya. Ini-enjoy niya ‘yung career niya.”

When asked about his chemistry with Max Collins, ito lang ang nasabi ng binata: “Ako noong una ko pa lang siyang nakakaeksena, nakita ko na ‘yung dedication niya. Ibang klase ‘yung dedication niya. Parang hindi na siya bago. I think she’s meant for the job.”

About to expire middle of this year ang contract ni Dingdong sa Siyete kaya naman natanong siya kung lilipat siya.

“With regards to offers, I’m sure manager ko ang makakaalam kasi siya naman ang humaharap, eh. Darating ‘yung time na naging possible ang mga bagay. Nama-maximize ko naman kung ano ang gusto kong gawin sa GMA-7 ngayon, so hindi ko pa nakikita (na lilipat ako),” he explained.

“Kasi parang I want na stay right now. Nagawa ko naman sa ibang network ang mga pelikula. Pareho lang naman ‘yon. At the end of the day I’ll go to my home network,” dagdag ng binata.

Dingdong Dantes, lilipat na ng network?!Pero kung very tempting naman ang offer, sabi ng actor ay magde-depend ang desisyon niya “kung saan ako magiging masaya, kung saan ako mama-maximize.”

 

MAGSYOTA NA raw sina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa isang reporter inamin daw ni Xian na sila na nga ng dalaga pero ayaw pa niya itong isapubliko dahil gusto niya ng tahimik na relasyon.

May mga nagsabi ring matagal nang magkarelasyon ang dalawa, bagay na pinaniniwalaan namin. Obvious naman kasi na sila na. Kahit na anong denial ang gawin nila ay mahahalata naman sa kilos nila na they’re now a couple.

Ang maganda lang, pareho nilang nae-enjoy

ang company ng isa’t isa dahil magkasama sila

sa Ina, Kapatid, Anak.

 

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING