Dingdong Dantes, kinaiinsekyuran ng isang Kapamilya actor!

KUNG PANINIWALAAN ang tsika, may nilulutong bagong triangle movie ang Star Cinema, at ayon sa balita’y kinukuha nila ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes upang ipareha kela Angel Locsin at Angelica Panganiban.

As of presstime, hindi pa ito kinukumpirma ng kampo ng sinuman sa mga artista, maging ng Star Cinema, pero may mga narinig na kaming may ilang meetings na ang nagaganap para sa nasabing Dingdong-Angel-Angelica film.

Ang director ng movie ay si Ruel Bayani na siyang nag-direk ng super blockbuster triangle film last year na No Other Woman nina Anne Curtis, Derek Ramsay, and Cristine Reyes.

Ang alam namin, expired na ang movie contract ni Dingdong sa GMA Films, at sa TV network na lang siya may existing contract, kung kaya’t malamang na i-consider ng manager niyang si Perry Lansigan (ng PPL Entertainment) ang Star Cinema movie – kung pormal na ang offer.

Last MMFF 2011, pumangalawa sa box-office ang Segunda Mano na isa si Dong sa co-producers, katuwang si Kris Aquino at ang Star Cinema.

“The best confirmation for that film is when the camera is grinding na,” words to that effect na pahayag ni Dingdong, tungkol sa estado ng nasabing movie.

Exciting ding abangan ang interviews sa girlfriend ni Dong na si Marian Rivera, saka-ling matuloy man si Dong with Angel Locsin. Si Angelica kasi’y nakasama na ni Dong sa Segunda Mano.

Take note na nagkaroon ng intrigahan between the fans and supporters nina Marian and Angel noong panahong “nilisan” ni Angel ang Kapuso Network at mag-ober-da-bakod sa Kapamilya station. Dahilan upang mapunta naman kay Marian ang “korona” bilang Reyna ng Kapuso, na ine-enjoy niya to the max these days.

Knowing Marian, prangka itong babae at sinasabi niya ang kanyang saloobin, ‘wag lang ma-provoke ng ilang press, kapag si Angel na ang topic of interview. Pero of late nga’y nakitaan na rin naman ng pagme-”mellow” itong si Marian at ganoon na ito ka-confident sa boyfriend na si Dingdong kaya tinigilan na raw nito ang pagseselos.

STILL ON the proposed love triangle movie nina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, and Angel Locsin.

May isang ABS-CBN actor naman daw ang na-insecure dahil bakit daw kailangan pang kumuha from GMA 7 actor, eh ang dami pa nilang artista sa Dos? Oh, well.

Eh, baka naman nakikitaan lang ng Star Cinema management headed by Charo Santos-Concio and Malou Santos na “swak” sa personality ni Dingdong ang role nito in the story.

Knowing Star Cinema, careful sila sa pagbuo ng proyekto, tumagal man ang planning and conceptualization, at mahalaga rito ang casting.

Puwede namang ang nasabing insekuradong Kapamilya aktor eh, mahanapan din ng ibang film projects, but not this one na kasama sina Angel and Angelica, ‘no!

As for Dingdong, tahimik lamang ito pero nakatapos na ito ng dalawang iba pang mga pelikula na in-the-can na as of now. Una ay ang Indak (Dance of the Steel Bars) kunsaan gumaganap si Dong bilang isang dance instructor na mapaghihinalaang nakapatay kaya nakulong.

Sa Cebu naganap ang shooting, kasama ang Cebu dancing inmates, sa direksiyon nina Cesar Apolinario (of GMA News and Current Affairs) and Marnie Manicad. Pasok sa cast nito sina Patrick Bergin (Hollywood actor), Joey Paras, Kathleen Hermosa, Mon Confiado, among others.

Ikalawa ay ang Aswang Chronicles, directed by Erik Matti, kung saan co-producer din ang Agostodos Pictures ni Dingdong. Kasama naman niya rito sina Joey Marquez, Lovi Poe, etc.

Samantala, gabi-gabi pa ring napapanood sa GMA Primetime ang My Beloved nina Dingdong at Marian na patuloy ang pag-init ng mga tagpo sa kuwento.

Dahil sa My Beloved, “solved na solved” lagi ang gabi ng mga solid Dong-Yan fans club members, dahil nightly ay napapanood nila ang kanilang favorite reel and real loveteam.

Effort din ang production team ni Direk Dominic Zapata sa paglalagay ng special effects sa show, in fairness. Kasama rin sa cast sina Jennica Garcia, Carl Guevara, Katrina Halili, Nova Villa, among others.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleRayver Cruz, itinangging hiwalay na sila ni Cristine Reyes!
Next articleHiwalay na nga raw, pero… Rayver Cruz, sunud-sunuran pa rin kay Cristine Reyes?!

No posts to display