Dingdong Dantes, kakalas na kay PNoy

Dingdong Dantes, kakalas na kay PNoy

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Biglang kumalat ang balita na lalayasan na ng aktor na si Dingdong Dantes ang “ninong” nila ni Marian Rivera sa kasal na si PNoy sa pagbabalita ng political news portal na Politiko.com.

Ayon sa balita, nakausap ng reporter ng naturang news organization si Sen. Grace Poe kahapon, Tuesday (April 5) sa Cebu City at masaya siya na ibinalita sa media na, “Dingdong has been very supportive, kaya lang hindi siya kaagad-agad lumabas sapagkat meron siyang National Youth Commission. Pero he has told me that he would like to support me,” kuwento ni Senator Poe sa media.

Kinumpirma ni Poe na nakuha na niya ang suporta ni Dingdong Dantes para sa kanyang kandidatura na noong una ay hindi pa puwedeng maging hayagan ang support ng aktor dahl identified ito kay PNoy as a commission-at-large of the National Youth Commission (NYC).

Kung maaalala pa, si Dingdog ay all out and supporta kay PNoy noong kampanya nito sa nakaraang presidential elections. Sa katunayan, inoperan siya ni PNoy na sumama sa ticket ng Liberal Party as senator para sa darating na eleksyon, pero tinabla ito ng aktor.

Chummy sina Dingdong at PNoy mula nang maging supporter si Dingdong ng LP at ni President Noynoy na kinuha pa ng aktor si PNoy as “witness of honor” sa kasal nila ni Marian noong 2014.

Sa pagre-resign ni Dingdong as commissioner-at-large ng NYC ay por delikadesa para masuportahan niya at maikampanya si Sen. Grace Poe at si Leni Robledo.

Reyted K
By RK VillaCorta