Dingdong Dantes, itinangging nanutok ng baril sa nakaaway

ADVERTISING

Dingdong Dantes, itinangging nanutok ng baril sa nakaaway

Dingdong Dantes, itinangging nanutok ng baril sa nakaaway NAKAALIS NA NU’NG Lunes ng hapon patungong Australia ang bunsong anak nina Robin Padilla at Leizel Sicangco na si Allih, kaya masaya na ang huli dahil makakasama na niya ang anak para mabantayan na raw niya nang mabuti.

Ang balak ni Leizel ay ipapasyal muna nila ng asawa niyang New Zealander na si Craig Murphy si Allih, at pagkatapos nito ay aayusin na nito ang pagpapa-enroll ng bagets.

Makikipag-usap na rin si Leizel sa abogado ni Robin para ayusin ang kanilang divorce at ang suporta sa mga bata.

Sabi naman ni Leizel, pagdating sa financial support sa kanilang mga anak, wala raw siyang mairereklamo kaya hindi raw isyu sa kanila ‘yun.

ADVERTISING

Ang hindi lang natin sure kung magkikita pa ba at magkakausap sina Robin, Leizel at si Mariel Rodriguez.

Kuwento kasi ni Leizel, nagti-text daw sa kanya si Robin na kung puwedeng kausapin nito si Mariel at ibinigay pa ang number ng TV host/actress pero hindi naman ito ginawa ni Leizel dahil bakit naman daw niya tatawagan si Mariel?

“Wala naman akong sasabihin sa kanya, kaya hindi ko siya kakausapin. Kung makikipag-usap sila sa akin, okay lang sa akin ‘yun, hindi ‘yung ako ang makikipag-usap sa kanila,” pahayag nito nu’ng nakapanayam siya ng Startalk.

Ngayon ay matatahimik na si Leizel pero tingin ko naman dito, hindi pa matatahimik ang isyu ng pagpapakasal nina Robin at Mariel.

Parang magulo pa dahil may mga nag-react na mga grupo ng Muslim at nu’ng nagsalita si Robin, itong Ibaloi priest naman na nagkasal sa kanila ang nagsalita na hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ng aktor.

Pati ang pamilya ni Mariel ay mukhang hindi pa masaya sa biglaang desisyon nito kaya nag-iiyak nga ang lola nito nang nakausap ito ng Entertainment Live.

Humingi naman ng sorry si Robin sa pamilya ni Mariel pero nangako silang aayusin nila ito at magkakaroon talaga ng malaking kasalan na kung saan makapagpapaalam na sila nang pormal.

Bongga ito, hindi lang tatlong kasalan ito kundi may kasunod pa yata. Kaya abangan na lang natin.

Ang sabi naman ng mga taong malapit sa dalawa, mukhang masayang-masaya sina Robin at Mariel kaya kahit ano pa itong mga naglalabasang isyu, wala silang pakialam dahil masayang-masaya sila.

SOBRANG UNFAIR NAMAN itong lumabas na isyu sa isang internet blog na may nakaaway raw si Dingdong Dantes at tinutukan ito ng baril.

Nakausap ng Startalk reporter namin si Dingdong at nagulat ito sa lumabas na balitang ‘yun dahil wala naman daw siyang baril ‘pag lumalabas siya.

Ang sabi pa sa kuwentong lumabas, nangyari raw ito sa isang bar sa Roces Avenue nu’ng nakaraang Linggo.

Ang sagot naman ni Dingdong, hindi siya makalabas-labas nu’ng araw na ‘yun dahil nagpapagaling pa siya at kalalabas lang nito ng ospital. Nasa isang kaibigan daw siya sa Antipolo nu’ng araw na ‘yun at hindi raw siya nakarating ng Roces Avenue.

Hindi naman sure ‘yung naglabas ng balitang ‘yun pero inilabas pa rin nito. Sana kinumpirma muna niya ito dahil hindi ito simpleng isyu lang.

Kaya nga umabot sa demandahan nu’ng napabalita rin sa ganitong isyu si Richard Gutierrez. Kaya sana, mag-ingat naman itong naglabas ng balitang ito laban kay Dingdong. Unfair naman sa aktor, ‘di ba? Naku ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING