Dingdong Dantes, isinuot ang high heels ni Marian Rivera

Dingdong Dantes, isinuot ang high heels ni Marian Rivera

Dingdong-DantesMAMAYANG GABI na magsisimula ang bagong drama series ni Dingdong Dantes sa GMA Telebabad, ang Pari Koy.

Inspirational daw ito, at nilinaw ni Sunshine Dizon na hindi lang daw ito para sa Katoliko, kundi sa lahat na relihiyon na naniniwalang iisa lang ang ating Diyos.

Kaya malaking challenge ito kay Dingdong, dahil first time niyang gumanap bilang pari.

Pero bago siya magsuot ng abito sa Pari Koy, nakakaloka si Dingdong dahil nagsuot muna ito ng heels ng babae para ipahayag nilang taga-National Youth Commission ang suporta sa mga kababaihan.

Nag-post si Dingdong ng litrato niya nu’ng nakaraang linggo suot ang size 12 na red high-heeled shoes na bigay pa raw ‘yun ni Marian Rivera. Doon niya inilabas ang suporta niya sa mga kababaihan bilang pagbibigay-pugay na rin daw sa kanyang ina, sa kapatid na babae at siyempre sa asawa niyang si Marian.

Nagmartsa si Dingdong na naka-heels mula sa tanggapan nila sa Banawe hanggang sa Rotonda sa Quezon City.

In fairness, ang galing nu’ng ginawa ni Dingdong. Napaka-positive, kaya sana maganda ang balik nito sa Pari Koy niya.

Kaya lang ang isa pang ikinaloka ko ay ang pangalan pala ni Dingdong sa seryeng ‘yun ay si Jericho Evangelista. Talagang may konek kay Heart Evangelista lahat, ha?

Hindi naman aware si Dingdong diyan kaya natawa na lang daw siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis