Dingdong Dantes, isinugod sa ospital

Dingdong Dantes, isinugod sa ospital

Dingdong-DantesHINDI KO knows na isinugod pala si Dingdong Dantes sa St. Luke’s Global nu’ng nakaraang linggo lang. Marami raw ang nakakita sa kanya na nagtagal siya sa hospital at sumunod nga raw si Marian Rivera para samahan siya.

Hindi naman daw siya na-confine sabi ng GMA Primetime King na nakatsikahan namin ito sa presscon ng pelikula niyang Kubot: The Aswang Chronicles. Napagod lang daw nang husto at nagkaroon siya ng fever kaya nagpa-check-up na siya. Kaya lang, ang dami raw tests na ginawa kaya medyo natagalan siya.

Kailangan naman daw niyang magpahinga kaya malamang pagkatapos ng kasal ay bakasyon na sila ni Marian. Inaayos na raw ang honeymoon nila, pero hindi pa raw niya masabi kung saan.

Halos buo na ang lahat na detalye ng kasal nila ni Marian, pero hindi pa raw siya nakakaramdam ng kaba. Malamang na kakabahan daw siya sa mismong araw ng kanilang kasal.

Bongga siguro ang wedding na ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis