Dingdong Dantes, inaming ‘di pakakasalan si Marian Rivera!

ADVERTISING

Dingdong Dantes, inaming ‘di pakakasalan si Marian Rivera!

Dingdong Dantes, inaming ‘di pakakasalan si Marian Rivera!HINDI TINIGILAN ng press si Dingdong Dantes hangga’t hindi sinasagot ang isyung kasalang magaganap sa kanila ni Marian Rivera sa December?

Habang ikinukuwento kasi ni Dong ang mga intimate scene na ginawa niya sa isang bading na si Joey Paras sa isang indie film, pilit na isinisingit sa actor kung tuloy ba ang wedding nila ni Marian sa December.

Dahil wala nang choice si Dong, sinagot na rin niya sa wakas ang isyung kasalan. Natatawa pa itong nagpahayag na walang kasalang magaganap sa December.

In short, hindi niya pakakasalan ang girlfriend/actress lalo’t ngayon ay magiging busy sila pareho ni Marian sa kanilang showbiz career.

ADVERTISING

Tila magkaka-totoo ang hula kay Marian nang isang sikat na manghuhula na magkakaanak ng apat ang actress pero hindi si Dingdong ang ama.

Samantalang kung walang magiging aberya ay tuloy na ang pagte-taping ni Dingdong ng Genesis, bagong serye niya sa GMA-7.

SINA KRYSTAL Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching, ang lalabas na Annakarenina na dating ginampanan noon nina Sunshine Dizon, Antoinette Taus at Kim delos Santos.

Ang tanong ay kung sino kaya sa tatlong bagets ang matutulad sa sinapit ng career nina Sunshine na nahinto dahil nabuntis at nagasawa, Antoinette na umuwi at namalagi na lang sa Tate dahil sa frustration sa pag-ibig at Kim na tumaba at nabuntis at nakuntento na lang maging plainhousewife?

Alam kaya nina Krystal, Barbie at Joyce ang naging kapalaran ng tatlong bagets na gumanap sa role na ginagampanan nila ngayon?

Anyway, sana ay magklik uli ang nasabing serye na dating tinangkilik noon at sinubaybayan sa telebisyon.

 

Dingdong Dantes, inaming ‘di pakakasalan si Marian Rivera!HINDI NAIWASANG tanungin ng press si Maxene Magalona na lalabas na kontrabida sa remake ng Mga Basang Sisiw sa GMA-7 kung ano ba talaga ang nangyaring paglalasing niya sa isang bar.

Hindi naman itinanggi ni Maxene nagpupunta siya ng bar para mag-unwind at magsaya kasama ang mga kaibigan. Pero never daw siyang nalasing nang husto at nakipa-away kung kanino.

“Never akong nalasing na tipong natutumba na ako habang naglalakad or binubuhat ako palabas ng bar sa sobrang kalasingan. I know my limit. Kapag alam kong I had enough, titigil na ako at uuwi na ako.

“And I was never involved in any bar incident. Kung may ganyan akong reputasyon, sana noon pa may lumabas na balita, ‘di ba?

“I go out to have fun with friends. Hindi ako pupunta sa bar para makipag-away dahil lasing na lasing ako,” napapailing na pahayag ni Maxene.

Samantalang nagpasalamat siya kay Bela Padilla dahil ito na rin mismo ang nagklaro na walang nangyaring gulo or sabuyan ng alak between them sa isang bar.

“Hindi ako ganoon ka-close kay Bela, but from what I know, hindi siya pumupunta sa mga bar. Hindi siya ‘yung mahilig gumimik and she doesn’t drink. Kaya imposibleng nagkita kami sa sinasabi nilang bar,” say pa ni Maxene.

 

HINDI NA tuloy ang unang plano sana ni Bong Revilla na isalin sa pelikula ang Indio para isali sa festival.

Ang Super Kap na raw ang gagawing pelikula ni Bong na siyang ilalahok sa taunang festival na ginaganap sa buwan ng December.

Balita na isang Kapamilya ang kukuning leading lady ni Bong pero hangga’t di pa raw nakakausap ang manager ng actress ay hindi muna nila sasabihin kung sino ang actress na isang Kapamilya.

Ang Super Kap, magiging entry ng Imus Productioin nila sa Metro Manila Film Festival-Philippines 2013.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING