Dingdong Dantes, iiwan na si Marian Rivera ‘pag natapos ang kontrata sa Siyete?!

HINDI MAN MAGKATAPAT sa oras, tiyak na pag-uusapan ang programang pagsasamahan nina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez at Mo Twister sa TV5, kung saan ay isa rin itong talk show.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ang nasabing programa na tiyak ikaloloka ng lahat dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang magkakasama sina Ate Cristy at DJ Mo, samantalang si Ruffa naman ay nakasama na ng reyna ng intriga noong mga panahong host pa sila ng programang The Buzz na hanggang ngayon ay hataw pa rin hindi lang sa mga maiinit na scoop kundi maging sa ratings.

Sa kabilang banda itinanggi ng kampo ni Ruffa ang balitang kaya nag-walk-out ang dating Miss World Second Princes sa The Buzz kamakailan ay dahil nais nitong magpakontrobersiyal at pag-usapan ang kanyang paglipat sa TV5.

May kanya-kanyang opinion ang mga taong nakasaksi kung paanong nag-walk-out si Ruffa. May nagsasabing gumimik lang ang aktres at may nagsasabi ring napuno na ito sa mga ginagawang “lihim” na pambibira ni Tetay. Pero kung anuman ang tunay na dahilan kung bakit napaiyak ang anak ni Annabelle Rama, tanging si Ruffa lang ang nakaaalam.

YEAR 2011 PA ang end of contract ni Dingdong Dantes sa channel 7 at ayon sa aming source, kung napaaga lang ang pagbu-boom ng channel 5 ay posibleng isa na rin ang aktor na mapupunta sa bakuran ng Ka-shake TV, dahil close ang binata kay Mr. Manny Pangilinan.

Kung paniniwalaan ang balita, tatapusin lang daw ni Dingdong ang kanyang kontrata sa GMA at magiging Ka-shake na rin itong tulad ni Ruffa Gutierrez, Dolphy at Maricel Soriano.

“Actually, dapat kabahan talaga ngayon ang channel 2 at channel 7 dahil tatapatan ni Mr. Pangilinan ang lahat ng show ng dalawang TV stations, at knowing Manny na lahat ng kanyang business ay nag-boom talaga,” pahayag iyon ng aming source.

Personal na kinausap at humingi ng paumanhin si Derek Ramsay sa dancer na si Saida Diola.”Nakahihiya kasi dahil hindi naman talaga totoo ‘yung mga lumalabas na balita,” tuluy-tuloy na pahayag ni Derek nang makausap namin kamakailan sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon kay Derek, totoong hindi magkakilala sina Saida at ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban, pero hindi ibig sabihin noon ay totoo na ang balitang selos na selos ang aktres sa EB Babes dancer.

“Hindi totoong binigyan ko raw ng diamond ring si Saida. Bakit ko naman siya bibigyan? I mean, kaibigan ko si Saida at nagkakilala kami sa basketball. Kaya nga hiyang-hiya ako sa kanya, dahil kung anu-ano na ang mga naglalabasang balita na alam naman nating hindi totoo talaga.”

Sa kabuuan, sinabi ni Derek na masaya at wala silang problema ni Angelica dahil hindi na raw selosa ang kanyang girlfriend, ‘di tulad noong mga panahong nagsisimula pa lang sila sa kanilang relasyon.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleCharice Pempengco, ipinagtanggol ang ina sa nega issues
Next articleMale singer, nagpa-register na sa pederasyon?!

No posts to display