Dingdong Dantes, hiyang-hiya sa pagsisinungaling kay Zsa Zsa Padilla?!

NAGPAPATULONG DAW SI Dingdong Dantes kay Karylle sa paghingi ng sorry kay Zsa Zsa Padilla.

Nahihiya raw kasi ang binata sa ina ni Karylle at feeling niya, he has some explaining to do sa nangyari sa kanila ng dalaga.

Ang kaso, ayaw naman daw tulungan ni Karylle si Dingdong. Hindi niya kasi masikmura na siya pa ang magiging daan para magkaayos sina Dingdong at ang kanyang ina.

Noon daw kasing tinatanong ni Zsa Zsa si Dingdong kung totoo ang tsismis sa kanila ni Marian Rivera ay todo-deny ang aktor. Ang kanyang sabi, pang-promo lang daw ang pagkaka-link nilang dalawa dahil nga magkasama sila sa show noon.

Ang totoo, magdyowa na pala talaga sina Dingdong at Marianita.

Ngayon, gustong mag-sorry ng aktor sa Divine Diva sa ginawa niyang pagdedenay. Kumukuha lamang daw siya ng tiyempo.

Bakit ‘di siya patulong kay Darnita para mas believable ang kanyang explanation?!

TULOY NA TULOY na pala ang game show ni Bayani Agbayani sa GMA.

Ito ang kinumpirma ng komedyante sa presscon ng First Time, na isang panghapong programa na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio and Jhake Vargas. Role ng isang teacher ang ginagampanan ni Bayani rito.

“Tuloy na ‘yung daily show at nagda-dry run na kami. May title na at kompleto na ‘yung cast. Tuloy na ‘yung game show. Sa original cast, ako lang ang naiwan at sinamahan ako ng mga bago,” tsika ni Bayani.

Nagpapasalamat ang komedyante sa ganda ng trato sa kanya ng Siyete.

“Ang maganda kasi, rito planado kung saan ka papunta, kung ano ang dapat mong gawin. Isipin mo, ngayon pa lang, meron pang isang show, apat na kaagad. Pagbalik ko rito, dalawang kamay, nakabukas, tinanggap ako hindi lang ng management kundi pati ng mga artista at buong production.”

Sabi pa niya, ang kawalan ng trabaho sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit siya lumipat sa Siyete. “Talagang ganyan. Kung minsan, walang trabaho. Siyempre, bilang artista kailangang humanap ka kung saan ka magkakaroon ng trabaho kasi may binubuhay kang pamilya. Alam kong marami pa akong ideas na pampasaya sa tao.”

Ayon kay Bayani, walang kinalaman si Willie Revillame sa pag-alis niya sa Dos.

“’Yong sa amin ni Willie, matagal nang naayos ’yon. Ang talagang dahilan, kailangan mo ng trabaho. Ako naniniwala na bata pa ako at marami pa akong maipakikita. Salamat sa GMA, binuksan nila ang pinto uli sa akin, kasi rito naman talaga ako nanggaling, eh. Dito ako nagsimula sa production, dito ako nag-artista, dapat siguro rito na ako tumanda.

Ang game show ni Bayani na joint production ng GMA at TAPE, Inc. ang ipangtatapat ng Siyete sa Showtime ng Dos.

“Nakakanerbiyos, kasi alam naman natin ang rating noon, eh. Pero siyempre, ang sinasabi nga namin kapag nagme-meeting kami, ‘wag nating isipin na tinatapatan natin. Ang isipin natin, nagbibigay tayo ng tuwa at kasiyahan sa tao.”

BLIND ITEM: MAPAGBIGAY pala sa bading ang isang young star na produkto ng isang male search.

Nang magwagi kasi siya sa pakontes na panglalaki ay pinagbigyan niya ang bading na manager na may kinalaman sa show. Maging coordinator ng pakontes ay pinaligaya rin niya.

Nakita raw ng kapwa contestant ang young star na nagpapahada sa coordinator. Tawa nga nang tawa ang mga katunggali ng young star sa ginawa nito pero naintindihan naman nila na ginawa ito ng bagets para na rin sa kanyang mga pangarap.

Ayun, ang young star ang tinanghal na big winner sa pakontes.

Naku, may indie movie ang young star, hindi kaya pinagbigyan niya ang kanyang baklitang producer at ang gay director niya?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRegine Velasquez at Ogie Alcasid, lilipat na rin sa Singko?!
Next articleClickadora: Ano ba tall, Rayver Cruz?!

No posts to display