Dingdong Dantes, gaganap na Crisostomo Ibarra sa pelikulang “Noli Me Tangere”

ADVERTISING

Dingdong Dantes, gaganap na Crisostomo Ibarra sa pelikulang “Noli Me Tangere”

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Bongga ang magiging 2017 ng mahusay na actor na si Dingdong Dantes, dahil balitang siya ang magbibida sa pelikulang “Noli Me Tangere”.
Gagampanan daw ni Dingdong ang character ni Crisostomo Ibarra mula sa pamosong libro ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Nakausap na nga raw ni Direk Jun Lana si Dingdong Dantes at agree naman daw ito sa nasabing proyekto. Gagastusan nga raw ito ni Direk Jun para mas mapaganda ang pagsasapelikula ng “Noli Me Tangere”.

 

 

At Sundrops Day Spa
At Sundrops Day Spa

Sundrops Day Spa, paboritong puntahan ng celebrities 

ADVERTISING

 

Nagiging paboritong puntahan ng TV at radio celebrities na gustong maging maganda at healthy ang kanilang mga kuko ang Sundrops Day Spa na matatagpuan sa 5th floor ng The Block sa SM North Edsa, dahil na rin sa maganda nitong serbisyo, affordable na presyo, at mababait na staff sa pangunguna nina Ma’am Cristy Archangel, Ma’am Mel Sagasag (manager), Rhea, Marian, Mercy, Jhera, Margee, Eva, Joyce, at Elen.

Ilan nga sa celebrities na regular costumer ng nasabing spa sina Nadine Samonte, Angelica Yap (Pastillas Girl), Barbie Imperial, Helga Krapf, Ara Mina, Say Alonzo, Jan Marini, Rica Peralejo, DZBB anchor Tootie, Janna Chu Chu, Norie, atbp.

Ilan sa services ng spa ay ang kanilang nail care, nail spa, at nail art.

Bukod sa SM North Edsa The Block, matatagpuan din ang Sundrops Day Spa sa SM Bacoor, SM Megamall, at SM Mall of Asia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING