Dingdong Dantes, ‘di raw two-timer

ADVERTISING

Dingdong Dantes, ‘di raw two-timer

Dingdong-DantesSA LUNES na magsisimula ang Ang Dalawang Mrs. Real at sabi nga ni Dingdong Dantes, malayung-malayo raw ito sa tunay karakter niya. Kaya challenging daw talaga ito sa kanya na kailangan ma-justify kung bakit nagpakasal siya sa dalawang babae.

May mga maiinit na eksena raw sila ni Lovi Poe at pati na rin si Maricel Soriano.

In fairness kay Dingdong, puring-puri siya ng mga co-stars lalo na sina Maricel Soriano at Coney Reyes na gumaganap na nanay niya.

Napaka-gentleman daw ni Dingdong at sabi nga ni Coney napaka-respectable daw ng aktor.

ADVERTISING

Ang isa raw sa aabangan pa rito ay ang bonggang aktingan nina Maricel at Lovi.

Wala pa raw eksena ang dalawa, pero ‘yun ang isa sa aabangan sa bagong drama series na ito ng GMA Telebabad na mapapanood sa timeslot na iiwan ng Rhodora X.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING