Dingdong Dantes, desidido nang magkaroon ng pamilya

ADVERTISING

Dingdong Dantes, desidido nang magkaroon ng pamilya

1 Dingdong-DantesTATLONG TAON pa lang pala si Dingdong Dantes nang gumawa siya ng commercial. Sabi ni Dong, madalas daw siyang ipasyal ng kanyang lola sa mall at doon ay may isang agent na nakakita sa kanya.

“Kinausap ng “agent” ang lola ko na ipa-audition daw ako sa commercial ng isang uri ng gastas dahil cute at malusog daw ako. Dinala naman ako at pina-audition at mapalad na nakuha,” say ni Dingdong.

Tatlong memorable na serye na hindi raw niya makalilimutan ay ang Encantadia, Stairway To Heaven at Marimar.

First TV show niya ay TGIS kung saan naging ka-loveteam niya si Antointette Taus at naging girlfriend nga, pero ‘di nagtagal dahil nagpunta ng Tate si Antoinette para roon na mamalagi.

ADVERTISING

Sa totoo lang daw, maging piloto ang gusto niya na gusto rin ng ama niya na maging profession. Pero ‘di nga nangyari dahil napasok siya sa showbiz na ipinagpasalamat niya dahil na rin sa tulong ng fans at mga entertainment press.

Talk about lovelife. This time daw talaga ay desidido na siyang magkaroon ng sariling pamilya, of course sa piling nga ni Marian Rivera.

Pinagdaanan na raw nila ang mga makitid na daan kaya sure na sure na raw sila na panahon na para sila magsama sa iisang bubong. Pero whatever happens, patuloy pa rin raw sila sa kanilang profession na magpasaya at mag-aliw sa telebisyon at pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING