Dingdong Dantes & Bela Padilla: We Could Be In Love!

DINGDONG DANTES:
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III
Birthdate: August 2, 1980
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

BELA PADILLA
Real Name: Krista Sullivan
Birthdate: May 3, 1991
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

NAGING MAINIT SA mga pahayagan ang away diumano sa pagitan nina Marian Rivera at Bela Padilla, na parehong magkasama sa patapos nang Endless Love ng GMA-7. May kuwelyo moments pa nga raw na naganap kaya natakot ang mas nakababatang aktres. Ang puno’t dulo daw ng kanilang away ay ang pagseselos ni Marian sa mga eksena nina Dingdong Dantes at Bela sa serye.

Kahit si Dingdong mismo ay umalma na walang dapat pagselosan si Marian dahil trabaho lamang ang lahat. In real life naman, boyfriend ni Bela ang Kapamilya actor na si Jason Abalos.

Hmmm… pareho naman palang taken sina Dingdong at Bela, eh! Mukhang malabong maging sila NGAYON. Paano naman kaya bukas? Mabuti pa’t itanong natin sa mga stars.

Parehong stubborn ang Leo at Taurus. Ibig sabihin nito, pinaninindigan nila ang kanilang mga desisyon lalo na kung sa kanilang palagay ay sila ang tama. Kung sakali mang magsama ang dalawa, paniguradong gagawin nila ang lahat para mapatunayang hindi sila nagkakamali sa kanilang bawat galaw. Ang pagkakapareho nila ng ugali na ito ay maaaring mas makabubuti sa kanilang pagsasama, pero maaari ring masira ito lalo na kung hindi maggi-give-in ang isa.

Passionate pagdating sa pag-ibig ang lalaking Leo at babaeng Taurus. Sa katunayan nga, ang naglalagablab nilang pag-iibigan, mapa-pisikal man o emosyonal, ay hindi matatawaran basta-basta. Pareho silang marunong mag-compromise sa isa’t isa at maging flexible. Kung mainit ang ulo ng isa, dapat ay ‘wag sabayan ng isa para maiwasan ang mga pagtatalo. Kailangan ding alagaan ni babae ang ego ng lalaki dahil hangga’t maaari, mas type ng lalaking Leo na sila talaga ang boss sa relasyon. Sa kabilang banda, kailangan ding respetuhin ni lalaki ang mga opinyon at saloobin ng babaeng Taurus. Kailangan ding matutunan ng babae na kontrolin ang kanyang galit dahil laging naghahanap ng atensiyon si lalaki. Kung magiging loyal at understanding sila sa isa’t isa, paniguradong magiging mainit ang pagsasamang ito.

Ayun naman pala, eh! May tsansa naman pala talagang magkatuluyan ang Johnny at Yuri ng Endless Love. Hindi pa nga siguro ngayon ang tamang panahon, pero who knows? Kaya ang payo lang namin kina Marian at Jason: Konting bantay pa! Hek-hek-hek!

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #167: September 22-23, 2010
Next articleBreakfast in Bed! (Maureen Larrazabal)

No posts to display