Dingdong Dantes, ayaw munang pag-usapan si Antoinette Taus

ADVERTISING

Dingdong Dantes, ayaw munang pag-usapan si Antoinette Taus

Antoinette-Taus-Dingdong-DantesHINDI NAIWASANG maungkat ang pagbabalik-bansa ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes na si Antoinette Taus sa grand presscon ng Ang Dalawang Mrs Real na pinagbibidahan nina Dingdong, Lovi Poe at Maricel Soriano na magsisimulang umere sa June 2 sa GMA 7.

Ang naging reaction ni Dong sa pagbabalik ng ex-girlfriend na nagpahayag na gusto siyang makasama uli sa trabaho kung sakaling bibigyan ng project. Gusto rin daw ni Antoinette na ang dating boyfriend niya ang maging unang kiss niya sa screen.

Natawa si Dong at kaagad sinabi: “Well, para sa akin naman, siyempre hindi naman maitatanggi na kami ang unang nagkapareha. Ang masasabi ko lang diyan, as once part of Viva family na and being part of GMA once, welcome back. Maganda rin ‘yung nagsimula sa Viva ay magbabalik at nagbibigay-pugay kung saan siya talaga nagsimula,” pahayag ni Dong.

Kung magkakaroon daw sila ng movie na magkasama ni Antoinette, dapat daw pag-usapan muna kung tama ba ang script or babagay ba sa kanila.

ADVERTISING

“Kasi I’m sure naman na hindi malayong mangyari dahil maliit lang naman ang mundo ng show business. Pero siyempre hangga’t wala pa naman. Ayoko muna siyang pag-usapan. Mahirap din namang mag-speculate at magkaroon ng ganoong klaseng scenario na hindi pa naman nagagawa,” paliwanag pa ni Dong.

Naniniwala rin si Dingdong na walang magiging problema sa kanila ni Marian sa pagbabalik showbiz ng ex-girlfriend at naiintindihan daw niya na maungkat ang dating relasyon nila ni Antoinette kapag ito ay nakausap ng press.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING