Dingdong Dantes at Marian Rivera nagpakilig sa kanilang rare dance appearance

ENDLESS na ang love ng mga loyal fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan sa isa’t isa. Habang marami sa atin ang patuloy na kinikilig sa panonood ng reruns ng kanilang 2010 hit song ‘Endless Love’, marami pa rin ang nagwi-wish na sana’y magsama na sila muli sa isang teleserye (huli pa nila ang My Beloved noong 2012) at pelikula (last real film pa nila ang ‘You To Me Are Everything’ na 2010 pa pinalabas). Oo, may mga cameos from time to time, but we want full DongYan shows and movies!

Dingdong Dantes at Marian Rivera nagpakilig sa kanilang rare dance appearance
Marian Rivera and Dingdong Dantes

Habang waiting pa ang mga Kapuso sa proyektong DongYan ay biglang nagpakilig ang dalawang talented stars sa special show ng isang malaking online shopping platform. Dito ay pinakilig ng DongYan ang viewers sa pagsayaw ng isang energetic yet romantic rendition ng ‘Dahil Sa’Yo’ ni Inigo Pascual. Bigla tuloy namin namiss ang weekly show na Marian!

Hindi napigilan ng fans na maging emosyonal dahil matagal-tagal na rin nila hindi nakikitang sumasayaw nang magkasama ang kanilang mga idol. Iba pa rin kasi talaga ang dating ng DonYan. Aminin niyo ‘yan! Nagpasalamat ang mga fans sa nasabing shopping platform dahil nabigyan sila ng pagkakataon na mapanood ulit ang kanilang iniidolong tambalan sa dance floor.

Matatapos na rin ang reruns ng Endless Love soon at may bali-balitang magkakaroon na raw ng comeback project ang DongYan. Is this a series? A movie? Whatever that is, we need it NOW!