Dingdong Dantes at Karylle, nag-date? – Morly Alinio

ADVERTISING

Dingdong Dantes at Karylle, nag-date? - Morly Alinio

Hanggang second week of October na lang ang Rosalinda.  Ang sinasabing dahilan ng biglang pagkastugi ng nasabing show ng baguhang aktres na si Carla Abellana ay dahil mababa ang ratings nito.

ADVERTISING

Dapat sana ay next year pa matatapos ang Rosalinda ngunit hindi ito tinangkilik ng mga manonood kung kaya pinabilis ang mga tagpo sa kuwento. “Kahit mapapaaga ang pagtatapos ng show namin, still, hindi pa rin mababawasan ‘yung magagandang scene,” pahayag ito ni Geoff Eigenmann na nakausap namin kamakailan. Ayon kay Geoff kinausap na sila ng pamunuan ng channel 7 at sinabi sa kanilang hanggang October na lang ang kanilang programa. “Okey naman sa amin dahil desisyon nila ‘yun. Besides, masaya na rin kami dahil habang papalapit nang papalapit ‘yung ending ay tumataas ang aming rating. At least hindi pababa,” sundot pa ng binata ni Gina Alajar.

Isang mapapagkatiwalaang source ang nagbulong sa amin na may tatlong linggo na ngayon ang nakakaraan ay pormal na nagkausap na sina Dingdong Dantes at  Karylle. Ayon sa aming spy, naganap ang pag-uusap na iyon somewhere in Makati.

“Tinawagan ni Dingdong si Karylle na magkita sila and that day ay nagkataong free si Karylle kaya pumayag itong makipag-usap,” say ng aming spy na nagsabing ang pagkikita iyon ay last na sa dalawa dahil nagkaroon ng closure ang kanilang walang tuldok na pagmamahalan.

ADVERTISING

Hindi naman daw kinakitaan ng lungkot sa mata si Karylle at bagkus ay natuwa pa ito sa nangyari. At least daw ay tuluyang makakapag-move on na ang aktres. Pero, mariin itong pinabulaanan ni Dingdong. Ayon kay Dingdong, walang katotohanan na nagkita na sila at nagkausap ni Karylle.

Sabi ng actor, walang dahilan para makipagkita pa siya at makipag-usap sa dating kasintahan dahil maayos na naman daw ang lahat at hindi na kailangang balikan pa kung anuman ang naging problema.

Sa totoo lang, halatang iwas si Dindong at parang may kinatatakutang kung ano habang kausap namin at itinatanong namin sa kanya kung totoong nagkausap at nagkaroon na nga ba ng closure ang kanilang pagmamahalan ni Karylle dahil noong gabi na amin siyang kausap ay naroon din sa kanyang tabi si Marian Rivera na kanyang kasintahan.

Ang tanong,  idinenay ba ni Dingdong ang kuwento ng aming source dahil may malaki itong takot kay Marian kasi hindi alam ni Marian na muli siyang nakipagkita at nakipag-usap kay Karylle?

May nakarating sa aming balita na name-miss na ni Alma Moreno ang kanyang pagiging aktres at ang mundo ng showbiz, kaya lang may problema. “Mahigpit kasi ang husband niya at ayaw na nitong mag-artista uli si Ness,” kuwento sa amin ng aming spy na nagsabi rin na ang isa sa mga dahilan kung bakit iwas sa press si Ness ay dahil may malaking takot ito sa asawa.

Kung si Ness lang daw ang masusunod ay gusto nito uling mag-showbiz kaya lang ay mahal nito ang asawang Muslim politician kung kaya’y isinasakripisyo ang sariling kaligayahan. “Actually, naaawa ako kay Ness kasi sa lahat ng kanyang pinakasalan dito lang talaga siya nagsakripisyo nang todo-todo,” sabi pa ng aming spy.

Samantala, tinatangka naming kausapin si Ness upang mabigyang linaw ang mga isyung naglalabasan subalit mailap ang dating sexy actress at tila takot itong magbigay ng komento.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING