Dingdong Dantes & Alessandra de Rossi: Holding On For You!

ADVERTISING

Alessandra-de-Rossi-Dingdong-DantesDINGDONG DANTES
Real Name: Jose Sixto Gonzales Dantes
Birthdate: August 2, 1980
Zodiac Sign: Leo

ALESSANDRA DE ROSSI

Real Name: Alessandra Tiotangco Schiavone
Birthdate: July 19, 1984
Zodiac Sign: Cancer

NAKAKALOKA ANG mga ganap sa Ang Dalawang Mrs. Real, huh! Kung inaakala ng mga viewers ay sina Maricel at Lovi lang ang nag-aagawan para sa pag-ibig ni Dingdong sa istorya, biglang confess naman ang character ni Alex na may pagmamahal pa rin ito sa ex-dyowang kanya namang niloko in the past!
Marami ang namangha sa palitan ng dialogues between the two, kaya hindi namin naiwasang makita ang chemistry ng dalawa. Bakit nga ba hindi pa ipinagtambal sa kahit anong proyekto ang dalawang award-winning taartits na itey?!
Very fragile individuals ang Cancer at Leo. Madali silang masaktan lalo na pagdating sa mga kritisismo. Kailangan nila ng appreciation, love and concern at ibinabalik din naman nila ito sa kanilang partner. Kahit na may ilang differences sa personalities nila, wala itong major effect sa kanilang relationship. Warm and cozy ang kanilang environment. Type ng Leo na siya ang boss sa relasyon, at hindi ito big deal sa Cancer. Basta ba i-shower ito ng super love and care, eh!
Sa totoo lang, hindi trip ng Cancer na mag-control ng relasyon. Good follower ito basta swak sa kanya ang mga ginagawa. Ipa-pamper pa niya ang lover. Ipinanganak ang Leo para magmahal at rumomansa, habang ang Cancer naman ay receiver nito. Magiging super intimate ang pagsasamang ito at hindi na kataka-takang matuloy sa kasalan!
Gustung-gusto ng Leo na palaging ka-bonding ang iniirog, at tsek na tsek ito sa Cancer. Ang ganda ng relasyong ito dahil they will try their best to shower each other with love and affection. Soooo romantic!
AHA! ‘Yun naman pala, eh! P’wedeng-p’wede naman pala talaga sina Dingdong at Alex as real-life couple. Kung hindi man sina Anthony at Sandy ang magkakatuluyan sa ‘Ang Dalawang Mrs. Real’, p’wedeng-p’wede sila in REAL life!

Pares-Pares

ADVERTISING

By Madam DaminDingdong Dantes & Alessandra de Rossi: Holding On For You!

ADVERTISING