Dinedma ni Inday!

ADVERTISING

KUNG NEGATIVITY ANG pag-uusapan, numero uno sa listahan ang kapuso actress na si Marian Rivera at muling napatunayan iyan sa nakaraang MMFF Parade Ceremony kung saan dinedma ng kontrobersiyal na aktres ang mga host ng nasabing event si na Alex Gonzaga at Bayani Agbayani. Matapos siyang tawagin ng younger sister ni Toni Gonzaga na inabot pa ang kamay upang batiin siya, dumaan lamang si Marianita na parang walang nakita at sa halip ay dumiretso kay Kuya Germs na naroroon din.                                                                                                              Matatandaan namang nagkaroon ng issue between Marian and Bayani na naganap sa isang sitcom sa Siyete kung saan nagsumbong ang hitad sa kanyang boyfriend na si Papa Dingdong Dantes, kung kaya muntik nang magsuntukan ang komedyante at ang aktor.

Ang dahilan naman daw ng pag-snub ni Marianita kay Alex ay ang pagkakabilang ng dalaga sa programang Juicy ng TV5 kung saan suking-suki si Super Inday sa mga blind items. Yun na!

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza and Parazzi Wires

By MK Caguingin

Dinedma ni Inday!Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING