Dinaig pa ang mga teenage sweethearts Vicki Belo at Hayden Kho, break na naman!

ADVERTISING

Dinaig pa ang mga teenage sweethearts Vicki Belo at Hayden Kho, break na naman!

Dinaig pa ang mga teenage sweethearts Vicki Belo at Hayden Kho, break na naman!   EWAN KO kung natuloy ang pag-alis ni Dra. Vicki Belo pa-Amerika na hindi na kasama si Hayden Kho Jr.

ADVERTISING

Nagkagulo na kasi at ang latest na statement niya sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado ay “it’s over” na raw sa kanila.

Puwede na raw ituloy ni Hayden ang kung ano mang namamagitan sa kanila ni Nancy Castiglione.

Ito kasi ang pinag-uusapan ngayon sa showbiz na ewan ko kung totohanan na ang hiwalayang ito.

ADVERTISING

Nagpahayag na rin si Hayden ng statement niya sa kanyang Twitter account na walang katotohanan ang sa kanila ni Nancy, kaya humihingi ito ng paumanhin sa  actress/singer dahil nadamay ito sa gulo nila ni Vicki.

Pero nagtataka lang naman ako, bakit parang sure si Vicki sa mga sinasabi niya tungkol sa kanila ni Nancy, kaya may basehan ‘yan.

Nu’ng nakausap namin sa Startalk si Nancy, mariin niya itong itinanggi dahil una, may asawa siya at happily married nga raw ito.

Kasama nga raw niya ngayon ang asawa niya pati ang mga anak nila. Kaya wala siyang masasabi dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ang ganu’ng tsismis.

Nainis nga raw ito kay Hayden dahil bakit siya idinamay gayung wala raw talagang basehan ang tsismis na ‘yun.

Nu’ng nakaraang linggo lang, ang ganda pa ng mga sinasabi ni Vicki sa relasyon nila ni Hayden at magkasama nga raw silang aalis pa-Amerika para roon na mag-Valentine’s, pero ngayon naiba na ang mga plano.

Ang huling sinabi niya kay Butch Francisco, baka mag-isa raw siyang aalis pa-Amerika.

Tingnan na lang natin kung ano ang gagawin ni Hayden para mabalik ang dating pagtitinginan nila ni Vicki.

Hay naku! Ewan ko na lang!

Dinaig pa ang mga teenage sweethearts Vicki Belo at Hayden Kho, break na naman!

MAMAYANG GABI na magsisimula ang bagong drama series nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na My Beloved.

Sobrang ginastusan ito nang husto ng GMA-7, dahil ang dami na nilang nasayang nu’n na tineyping ni Rhian Ramos tapos nabago ang mga plano at si Marian na ang ipinalit.

Ngayong sina Dingdong at Marian na, lalong ginastusan ito ng GMA-7 dahil sa pilot episode pa lang nito, dalawang bus agad ang sinayang nila.

Ang isa pinagulong sa bangin, at ang isa Ibinitin du’n sa flyover ng Roxas Boulevard na naging sanhi ng matinding traffic nu’ng nakaraang linggo.

Sobrang kampante naman kasi ang GMA-7 na magiging hit ito kaya abangan natin, dahil sobrang suportado ito ng mga fans nila.

Sa ganda ng relasyon ng dalawa, parang kasal na lang ang kulang. Sabi naman ni Marian, kung sakaling may plano na, hindi naman daw nila ito itatago at kaagad na isi-share naman daw nila ito sa publiko. Pero sa ngayon ay wala pa munang plano at masaya na sila sa kanilang relasyon.

Sa Valentine’s Day pala, may sorpresa raw si Dingdong kay Marian. Pagkatapos daw ng guesting ni Dingdong sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, may pupuntahan daw sila para sa kanilang dalawa lang.

Walang kaide-ideya si Marian kung saan ito, dahil ayaw talagang sabihin ni Dingdong dahil surprise daw talaga ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING