Dina Bonnevie, natatakot sa relasyong Vic Sotto at Pauleen Luna

ADVERTISING

Dina Bonnevie, natatakot sa relasyong Vic Sotto at Pauleen Luna

Dina-BonneviePINAGDIINAN NI Dina Bonnevie na hindi siya nakikialam sa relasyon ngayon nina Pauleen Luna at ex-husband na si Vic Sotto dahil masaya na rin daw siya sa piling ng asawang si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor Savellano.

Pero kahit na ayaw raw niyang makialam, napilitan pa rin siyang magpahayag tungkol sa relasyon nina Vic at Pauleen. Natatakot daw si Dina sa maaaring kahihinatnan ng pagmamahalan ng dalawa lalo na raw kapag nagkatuluyan dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad. Si Pauleen ay 25 years old pa lamang at si Vic ay 60 years old na.

“Ang ikinatatakot ko kasi, kapag masyadong bata ‘yung babae… kasi na-experience ko ‘yan sa sister ko, eh. Ang sister ko kasi was married to somebody who’s 14 years older than her, eh. Sila (Pauleen at Vic) is more than 14 years din.

“Sa simula, it was okey, pero later on, she’s getting bored. Gusto pa niyang mag-party, gusto niyang sumayaw, gusto niyang mag-karaoke, gusto niyang mag-travel, whereas the husband just want to stay home. ‘Yun ang ikinatatakot ko,” say ni Dina na seksi pa rin at maganda.

ADVERTISING

Dagdag pa ni Dina, “It wouldn’t mean in the future na she’s not sincere, na hindi siya magloloko in the future. But that’s a natural reaction. Kasi you can eventually outgrow your mate, ‘di ba?

“In the beginning mahal kita, pero later on na-out grow kita kasi I wanna explore the horizon in front of me. Whereas, if he gets somebody na his age, more or less ay papapunta na ‘yon doon, na ang mindset ng taong ‘yun ay mag-aalagaan sila. Kumbaga, ang mindset nu’ng taong ‘yon ay companionship.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING