DINA BONNEVIE, LOVELESS NA NGA, INIWAN PA NG MGA ANAK

ADVERTISING

DINA BONNEVIE, LOVELESS NA NGA, INIWAN PA NG MGA ANAKNAKAKALOKA NA ITONG away nina John Lapus at Jobert Sucaldito, dahil aabot na raw ito sa demandahan. Kinausap na raw ni John ang abogado niya at talagang pursigido raw siya na idemanda ito. Isinulat daw kasi ni Jobert na nagwala itong si John sa The Library at may binastos na isang lalaki.

Sabi naman ni Jobert, haharapin niya kung anuman itong isasampang demanda ni John laban sa kanya. Makikipagtulungan naman daw sa kanya itong lalaking nabastos u-mano ni John. May pruweba nga raw siya dahil na-tape pala nu’ng lalaki ang mga sinasabi ni John kung paano raw siya bastusin nito.

ADVERTISING

Matagal na itong away nina Jo-bert at John, heto nga at aabot na sa demandahan. Hindi kaya ang ending nito ay magkaayos din sila?

Siyempre, galit lang ngayon si John at si Jobert naman ay palaban din, kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong at kung magkademandahan nga. Ang nakakaloka lang, dahil sa lalaki ang pinagmulan ng away, huh!

NAKAUSAP NG STARTALK si Dina Bonnevie sa presscon ng pelikulang Who’s That Girl nina Anne Curtis at Luis Manzano, hindi nito napigilang maiyak nang napag-usapan na ang pag-iisa nito dahil parehong may pamilya na ang dalawang anak niya.

ADVERTISING

Nu’ng nagpakasal si Danica Sotto kay Mark Pingris, hindi pa gaanong nalungkot si Dina dahil nandiyan pa si Oyo Sotto na kasama niya. Pero nang magpakasal na si Oyo kay Kristine Hermosa, doon na raw niya naramdaman ang emptiness dahil mag-isa na lang siya.

Tuwing Linggo lang sila nagkikita dahil dinadalaw siya ng mga anak niya kasama ang dalawang apo niya. Napalapit na rin kasi kay Dina ang adopted son nina Oyo at Kristine, kaya natutuwa naman siya.

Pero kapag weekdays, siya na lang daw mag-isa, kaya nagpapaka-busy na lang siya sa trabaho. Gusto nga raw niya ay araw-araw siyang nagti-taping o nagsu-shooting para hindi niya hanapin ang mga anak.

Sabi nga raw niya sa sarili niya, dapat ay magkaroon na siya ng partner para meron siyang nakakasama, pero hindi naman daw siya nagmamadali at baka magkamali na naman siya. Pero nakikipag-date daw siya ngayon, wala pa nga lang karelasyon talaga.

Pinag-iisipan na raw ni Dina na ibenta na ang bahay niya dahil napakalaki raw nito para sa kanya. Gusto na lang niya ng maliit at malapit sa mga anak niya.

Sa ngayon daw ay hindi pa rin buntis si Kristine. Laging negative daw sa pregnancy test nito. Kaya sinasabihan daw niya sina Oyo na hayaan na muna dahil ibibigay naman sa kanila ‘yon ng Diyos sa tamang panahon. Mabuti’t meron silang adopted son at doon na raw nila napag-aa-ralan ang pagiging magulang.

Abangan n’yo na lang ang madamdaming panayam ng Startalk kay Dina at marami pa siyang kuwento tungkol sa bagong kasal na sina Oyo at Kristine.

DINA BONNEVIE, LOVELESS NA NGA, INIWAN PA NG MGA ANAK Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING