Dimples Romana, uminit ang ulo kay Angel Locsin

ADVERTISING
Leo Bukas

IPINAGTAPAT ni Dimples Romana na may panahon daw na umiinit din ang ulo niya sa kaibigang si Angel Locsin lalo na kapag umiiral ang katigasan ng ulo nito.

“Mainit ang ulo ko diyan pag nakikita kong nag-i-stunts, ang init ng ulo ko. Ini-screen shots ko, sine-send ko sa kanya. ‘May problema ba tayo?’ Tapos ang sagot niya lang sa akin, ‘Ha-ha-ha,’” natatawang kuwento ni Dimples.

Dimples Romana, uminit ang ulo kay Angel Locsin
Angel Locsin and Dimples Romana

Kahit naman daw pagbawalan niya si Angel ay hindi rin ito makikinig sa kanya.

“Naku, kung kayo ang kaibigan ni Gel feeling mo makikinig sa yo? Kailan ka titigill? Hindi, naku. Baka lalo pa niya akong inisin at magsasasakay pa siya ng truck na umaandar.

“Kasi ganun niya ako gustong inisin, eh. Yung alam niya ng nag-aalala ako sa kanya gagawin niya pa talaga paulit-ulit,” sey pa ng aktres.

ADVERTISING

Hindi niya raw naman niya tinitigilan ang pag-papaalala dito lalo na nung panahong nagte-taping pa si Angel ng The General’s Daugther.

“Ay hindi. Paulit-ulit kong sini-send sa kanya yung pictures. ‘Ikaw ha, ang init ng ulo ko. Nakita ko gumagalaw yung truck, nasa ilalim ka nung truck. Naku Gel, hindi mo kailangang gawin yan, may mga stunts na puwedeng gumawa niyan.’

“Eh,  kaso sobrang pagmamahal niya sa trabaho niya kaya gagawin niya talaga.

“Kaya ang ginawa ko na lang binilhan ko siya ng beeds, pang-health. Lahat ng pampatulong na beeds, binilhan ko siya ng beeds for good health,” kuwento pa ni Dimples na brand ambassador Skin Magical (beauty product) at Juanlife personal accident insurance.

 

ADVERTISING