Dimples Romana is pregnant at 37 years old!

ISANG nakakatuwang balita ang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Dimples Romana kamakailan sa digital conference niya para sa isang bagong endorsement: She is pregnant!

Bago matapos ang virtual event ay ibinahagi niya ang masayang balita.

Dimples Romana is pregnant at 37 years old!
Dimples Romana with family

“I want to share my joy to everybody because this is something very, very important to me, for my husband, and for my family.”

Ang reveal po namin ngayon ay… Ladies and gentlemen, I am expecting baby number 3! Say hello to my baby bump!” balita niya sabay tayo para ipakita ang kanyang tummy.

May dalawang anak na sina Dimples Romana at asawang si Boyet Ahmee: Sina Callie, 18, at Alonzo, 7.

Ayon sa aktres, hindi niya inaasahan na magbubuntis siya sa ikatlong pagkakataon dahil wala ito sa plano nila mag-asawa.

“Noong nalaman ko ‘yung balita, as in nagulat ako! Kasi we weren’t even trying. Kami naman ni Boyet, we already have Calliee, we already have Alonzo, and seven years later, malay ko ba na magkakaroon ako ng isa pang baby. We are very pregnant at the moment,” sambit ni Dimples.

Wala pang detalye kung ilang buwan na siya nagdadalang-tao o kung ano ang gender ng baby. Masaya lang ang pamilya sa pagdating ng bagong miyembro.

“Five na kami!” mangiyak-ngiyak na anunsyo ni Dimples.

“Sobrang naiiyak ako, kasi first time ko to really go out there and say we’re now a family of five.”

“I am very, very happy with where we were at. Kumbaga, I feel content in my heart. Kaya itong pagdating ng bagong blessing namin [makes us even happier],” pagtatapos nito.

 

Previous articleNEW COUPLE ALERT! Rabiya Mateo at Jeric Gonzales inamin na ang relasyon
Next articleVLOG WATCH: Ivana Alawi’s Office Tour (Ivana Skin)