Diether Ocampo, nilinaw na nasa Dos pa rin siya kahit may show sa Singko

ADVERTISING

Diether Ocampo, nilinaw na nasa Dos pa rin siya kahit may show sa Singko

Diether-OcampoHALATANG IWAS sa entertainment press si Diether Ocampo nang makaharap namin siya sa presscon ng TV5 para sa season 5 ng kanilang Wattpad Presents. Tumakas na rin siya after the presscon at hindi na nagpainterbyu pa sa amin.

“Parang hindi na ako sanay humarap sa press. Halos two and a half years na rin akong walang presscon,” bati sa amin ni Diet.

Anyway, kaagad niyang nilinaw na nananatili pa rin siya ngayon sa Star Magic kahit pa part siya ng 2 episodes ng Wattpad ng TV5.

I’m still with ABS (CBN), tinanggap ko lang itong opportunity na magtrabaho sa TV5, kasi hindi pa talaga ako nag-guest dito. This is the first time na magtatrabaho ako with the production of TV5,” paglilinaw agad niya.

ADVERTISING

Habang wala pang ginagawa, nagpaalam daw muna siya sa Star Magic para magtrabaho sa ibang channel.

“‘Di ba kasi dapat meron kaming gagawing teleserye with Judy Ann. Fortunately, she got pregnant, dapat dire-diretso ‘yon, eh. Pero pina-stand by muna kami because of that. But you know, may mga offers din naman.

“I was very happy when this offer came, and thank you sa TV5 for giving me this opportunity to work with some actors na hindi ko pa nakatatrabaho. It’s a good opportunity for me, hindi ko ‘yon puwedeng palampasin,” paliwanag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING