Diether Ocampo, may malubhang karamdaman?

ADVERTISING

Diether Ocampo, may malubhang karamdaman?

Diether-OcampoMISTERYO ANG pananahimik ngayon ni Diether Ocampo. Walang movie at TV project sa ABS-CBN. Walang makapagsabi kung nasaan ang binata. May nagsasabing may pinagdaraanang personal na problema ang hunk actor na siya lamang ang nakaaalam. Umiiwas rin ito sa mga dati niyang kaibigan sa showbiz. May balitang may malubha raw karamdaman si Diet kaya’t minabuti nitong manahimik sa isang tahimik na lugar outside Manila.

ADVERTISING

Maging ang staff ni Diether sa kanyang foundation ay wala ring masabi kung saan namamalagi ang binata. Marami tuloy ang nababahala lalung-lalo na ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa tunay niyang kalagayan. Well, I’m sure, alam ni Johnny Manahan ng Star Magic kung anuman ‘yung pinagdaraanan ng kanyang alaga. Matagal na kasing walang teleserye ang magaling na actor.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING