Diether Ocampo, mahilig mangabayo ang bagong GF

Diether Ocampo, mahilig mangabayo ang bagong GF

Diether-Ocampo-Michelle-Cojuangco-BarreraNAGBABALIK SI Diether Ocampo sa showbiz after years of absence. Mabuti naman at kabilang siya sa bagong proyekto ng Dreamscape Entertainment sa pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann Santos, ang Someone To Watch Over Me with Richard Yap.

Sa pagkawala ni Diet sa eksena, naging abala siya sa kanyang pag-aaral sa kursong business at sa bago niyang sosyaling hobby, ang pagiging equestrian. In short, nag-aaral siya ng pangangabayo. Sa picture na galing Instagram ni Diether, heto ang latest love niya, ang kanyang mentor sa pangangabayo na si Michelle Cojuangco Barrera. Lovely couple. Bagay sila. Hoping na hindi sagabal ang girlash sa pagiging aktibo muli ni Diether sa showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta