Diether Ocampo, laylay na ang showbiz career

ADVERTISING

Diether Ocampo, laylay na ang showbiz career

Diether-OcampoMARAMI TALAGA ang nanghihinayang sa paglaylay ng showbiz career ni Diether Ocampo, dahil ang tagal-tagal na rin niyang hindi napapanood sa mga teleserye at pelikula. Paulit-ulit na nabalita ang paglipat niya sa ibang network, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nga nararamdaman kung ano na ang magandang resulta ng kanyang mga plano tungkol sa kanyang pag-aartista. Kasi, hindi na siya bumabata at napakaraming mga baguhang artista ngayon sa showbiz.

ADVERTISING

Maganda kasi ang naging simula ng career ni Diether sa ABS-CBN, dahil nu’ng panahon ng tapatan nila ni Marvin Agustin, ilang ulit siyang nabigyan ng pagkakataon na makapagbida sa mga teleserye. Guwapo naman kasi si Diet at maganda ang katawan, kaya nakahilera din siya noon nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Jericho Rosales. Nakasama rin siya sa ilang magagandang pelikula ng Star Cinema, pero nitong huli, nagpatuloy lalo ang paglaylay ng kanyang career.

Mapakisama naman si Diether sa mga tao sa showbiz. Maganda rin ang kanyang intensiyon bilang artista, kaya nagsisipag siya. Nagtayo rin siya ng sarili niyang foundation para makatulong sa mga tao kahit hindi siya pulitiko.  Maganda ang pagkaka-build up sa kanya ng Kapamilya Network, kaya nakapagtataka na nawawala ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING