Diether Ocampo, ‘di binabayaran ang mga crew sa isang project?

Diether Ocampo, ‘di binabayaran ang mga crew sa isang project?

Diether-OcampoNAKAKALOKA ANG ipinost ng isang assistant director ng ABS-CBN.

“Dear Mr. Diether,

“May mga kaibigan akong nagtrabaho sa project mo, natuwa ako noong una dahil trabaho ito para sa mga katulad namin. Pero pagkatapos ng ilang araw di ka na nakakabayad sa mga dapat bayaran. At ngayon pati sweldo nila di mo pa nababayaran. Ang ilan sa mga kaibigan kong ito ay isang kahig isang tuka lang at ung lang ang inasahan nila para makaraos sa buhay. Sana naman makunsensya ka. Sana naman mabayaran mo na sila para maging normal na ang mga buhay nila. Ang dami na nilang naging problema dahil sa ginagawa mo.”

Iyan ang nakakalokang post ng isang Cris Aquino na assistant director sa Dos. Ang Diether na kanyang tinutukoy ay ang actor na si Diether Ocampo.

It appears na merong iprinodyus na indie film itong si Diet at pinalalabas ni Cris na hindi niya nabayaran ang ilang mga tao sa production.

Hindi kailanman naging pangit ang image ni Diether sa showbiz. Kilala siyang matulungin at may kusang palo sa mga nangangailangan kaya nakapagtatakang merong ganitong issue sa kanya.

Diet, true ba ito? Paki-explain nga.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas