Diether Ocampo at Carlos Agassi, kapwa biktima ng blind items

ADVERTISING

Diether Ocampo at Carlos Agassi, kapwa biktima ng blind items

Carlos-Agassi-Diether-OcampoNAGKAKAROON TALAGA ng mga pagkakamali at pagkalito tungkol sa mga kumakalat na balitang mayroong mga kakaibang karamdaman sina Diether Ocampo at Carlos Agassi. Kasi nga, silang dalawa ‘yung mga dating laging napanonood sa mga programa at kasama sa mga teleserye ng ABS-CBN, pero nitong mga huling taon ay medyo may lamlam ang kanilang kasikatan, kaya hindi talaga sila masyadong napagkikita sa showbiz.

Hinahanap siyempre sila, dahil sina Diether at Carlos ay parehong mga mababait na aktor na inaalagaan ng Star Magic. Pareho silang dalawa na nabibiktima ng mga blind items, na diumano’y hindi na mga mukhang artista sa ngayon, dahil mayroon na raw mga pagbabago sa kanilang mga hitsura dahil sa mayroon daw mga sakit, kaya hindi muna lumalabas sa mga pelikula at teleserye para muling mapanood ng kanilang mga fans.

Pero sa totoo lang, ngayong lumabas na si Diether at kasali sa “Wattpad Presents…” ng TV5 ay napatunayan naman na mali ang tsismis, dahil napakaguwapo pa rin naman ni Diet, ‘tulad din ng hitsura ng kaguwapuhan niya sa huling teleserye na ginawa niya sa ABS, ang Apoy Sa Dagat. Maging si Carlos ay ganu’n pa rin naman ang kaguwapuhan at ang maganda niyang katawan nang huling magpakita sa publiko kamakailan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING