Diether Ocampo, after two years, may bagong show sa ibang network

ADVERTISING

Diether Ocampo, after two years, may bagong show sa ibang network

Diether-OcampoDALAWANG TAON na mula nang huling napanood si Diether Ocampo sa telebisyon at ngayon ay balik-trabaho ang aktor.

Masaya ang orhinal na Star Magic hunk actor sa dalawang projects na kasalukuyan niyang ginagawa. Isa siya sa bida ng “Wattapad Presents” na nag-premiere noong Lunes. Ibang karakter ang ginagampanan ng aktor dahil isang romantic-comedy ang nasabing series.

Matatandaang bahagi sana si Diether ng ABS-CBN’s “Somebody to Watch Over Me” kasama si Judy Ann Santos, pero hindi muna ito natuloy dahil sa pagbubuntis ni Juday. Nananatili pa ring Star Magic talent si Diether kahit sa kabilang network ang kanyang trabaho ngayon,

“In our time now, kung may trabahong dumating at kung maayos ang pag-uusap, walang magiging problema. Walang masamang tinapay sa akin. Kailangan lang mutual decision between the management and the artist,” sabi pa ni Diether.

ADVERTISING

Tinutuloy pa rin Diether ang kanyang basic entrepreneurship program sa De La Salle University at abala pa rin siya sa kanyang mga golf tournament for a cause. Isa sa kanyang recent project ay ang Ambassador’s Cup na tumulong sa mga kabataan ng Manila Youth Reception Center.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING