Diet is Cheeseless but not Choosy!

ADVERTISING

Diet is Cheeseless but not Choosy!

“HINDI AKO CHOOSY.” Iyan ang sey ni Papa Diether Ocampo sa mga nagtatanong sa kanya kung may katotohanan na nagiging mapili siya sa mga roles na gustong gampanan. Wala raw karapatan ang hunk actor na mag-inarte at maging choosy kahit natatagalan bago magkaroon siyang muli ng proyekto sa Dos. Nang in-offer daw sa kanya ang Guns and Roses eh, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ito dahil sa never pa niyang nagawa ang ganitong konsepto at ang karangalang makatrabaho ang isa sa haligi sa larangan ng aksyon na si Papa Robin Padilla. Bihira lang daw ang ganitong opportunity kaya huwag sayangin. Hmmm…tama nga naman, ‘di ba? Kung itinanggi ni Papa Diet ang choosy issue eh, buong ningning niyang pinangalandakan na “cheeseless” siya o walang lovelife, he-he. Ganu’n? May mga bagay talagang dapat isakripisyo muna alang-alang sa career, pero sana dumating rin ang right girl sa buhay ni Papa Diet. Ano sa tingin n’yo?

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING