Diego Loyzaga may sweet birthday message para sa GF na si Barbie Imperial

IN LOVE na in love sa isa’t isa ang hunk actor na si Diego Loyzaga at ang sexy actress na si Barbie Imperial.

Sa mismong kaarawan ng dalaga kahapon (August 1) ay isinapubliko ng binata ang kanyang mahabang mensahe para sa minamahal, kung saan sinabi niya na he wishes “All the best and happiness in the world”.

Diego Loyzaga may sweet birthday message para sa GF na si Barbie Imperial
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

“As generic as that is, I mean every word of it. That you keep on succeeding in everything you do and know that I’ll be right here by your side supporting you. Every triumph and every set back I’ll be holding your hand cheering you on,”

Pahabol pa ni Diego, proud siya na maging boyfriend ni Barbie at handa na ito sa magandang future na nakaabang sa kanila.

“I’m proud to be your guy, here with you through it all. Through thick and thin, till death do us part (luh?) I’m excited to spend your next birthday, next Christmas, next new year with you and watch how we grow as a couple and as individuals,”

Maliban dito ay sinambit ng binata kung gaano siya kasuwerte sa karelasyon. Ang sweet, ‘diba?

In fairness, matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa. Compared sa kanilang past rumored partners, mukhang mas steady ang relasyon nila ngayon. Siguro, gawa na rin ng mas maraming experience at open communication ay mas nagwu-work ang kanilang relasyon.

Ayeeee. SANA ALL!