Diego Loyzaga laging nagsosori kay Barbie Imperial tuwing gagawa ng intimate scene sa pelikula

Leo Bukas

AMINADO si Diego Loyzaga na tuwing gumagawa siya ng love scenes sa pelikula kasama ng ibang aktres ay ikinokonsider din niya ang nararamdaman ng girlfriend na si Barbie Imperial. Imposible raw kasi na walang maging pakialam ang aktres dahil tao lang ito.

Previously, may love scene si Diego kay AJ Raval sa pelikulang Death of a Girlfriend na nasundan naman ng intimate scene nila ni Kylie Verzosa sa Bekis On The Run na streaming pa rin ngayon sa Vivamax.

Diego Loyzaga laging nagsosori kay Barbie Imperial tuwing gagawa ng intimate scene sa pelikula
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

“No, imposibleng walang pakialaman… imposible ’yon. Although Barbie is an artista, she’s still my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito,’ she’s not gonna feel it?

“Of course, she’s gonna feel something when she sees it. But doon lang pumapasok yung understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang,” paliwanag ng binata.

Alam din daw niyang makakaramdam ng awkwardness ang kasintahan sakaling mapanood nito ang mga intimate scenes niya sa pelikula.

Saad niya, “Kasi malamang naman anyone who’s in love… And mostly  stories are about a couple or about someone,  there’s always gonna be like a bed scene, of course.”

Sa kanilang dalawa ni Barbie ay aminado rin si Diego na mas marami siyang role na natatanggap na nire-require na magkaroon ng intimate scenes sa kapareha kumpara kay Barbie na wala raw mga ganung eksena sa mga ginawang project in the past.

“I don’t know why I’m telling you this but some movies show more than others di ba? It just so happened the script that I receive and the work given to me or siguro my age group, my age bracket also kaya mas parang mas nagpapakita.

“Si Barbie kasi ayaw niya nu’ng mga ganu’ng eksena, e. She doesn’t have very intimate… or kung meron man, it doesn’t show very much. Kumbaga it’s very PG (parental guidance), hindi siya yung parang R-18 na palabas na maraming pinapakita,” natatawa niyang paliwanag.

Sa kaso niya, kinakausap muna raw niya si Barbie bago niya gawin ang isang intimate scene sa movie.

Diego Loyzaga laging nagsosori kay Barbie Imperial tuwing gagawa ng intimate scene sa pelikula
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Paliwanag ng aktor, “Of course, I reassure her and I say sorry pa rin na, you know, ito yon, eh, trabaho lang ito. You know? And if hindi kailangan, I’d ask direk, ‘Direk baka naman puwedeng hindi ganto, baka man yung character hindi naman kailangan gawin ito.’ And if kaya naman ayon, babawasan.

“Kasi if it was, Barbie doing a role like that, I wouldn’t be that comfortable. I wouldn’t be comfortable. Of course, I’d understand that’s her work pero alam mo yon?”

Idinagdag pa ni Diego na hindi na lang nila sabay na pinapanood ang project ng isa’t isa kapag may mga intimate scenes sila.

“Ayaw namin,’ natatawang sabi ni Diego. “Naiilang kami. Like I always say like, ‘Bi, let’s watch something…’ Ayaw niya. Or something of me naman, kapag pine-play niya, ayoko ko rin. Nagki-cringe ako. Haha!” reaksyon niya.