Diego Loyzaga, kailangan ng ‘damage control’ sa isyu ng bugbugan

Diego Loyzaga, kailangan ng 'damage control' sa isyu ng bugbuganAno na kaya ang kaganapan sa kaguluhan na kinasasangkutan ni Diego Loyzaga at ng magkapatid na Lopez noong nakaraang Linggo sa The Palace Pool Club sa The Fort?

Narinig na ang panig ni Diego Loyzaga. Nagsalita na rin ang kampo ng mga Lopez. Sa ganang akin, tila may cover-up na nangyayari mula sa kampo ni Diego.

Sa mga naunang interview sa bagets na aktor na anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, nabanggit niya sa isang interview na kaya siya nandoroon sa venue, kung saan naganap ang bugbugan, ay dahil may hinahanap silang tao na nambugbug diumano sa kaibigan nila. In short, sa lenuguwaheng bagets, may hina-hunting silang tao na nanakit sa kaibigan nila. Sa nakaiintindi sa mga ganitong kaganapan, ang pagha-hunting nina Diego ay siguradong mauuwi sa paghihiganti.

Kailangan ni Diego ng cover-up sa mga nangyari. May bago kasi siyang teleserye with Sofia Andres na sisimulan ng Kapamilya Network sa pagtatapos ng 2nd quarter of the year.

Pero kung tumatak sa publiko ang insidenteng ito at magiging “The Next Bad Boy” ang image ni Diego; ewan ko kung matutuloy pa ang pinaplanong teleserye nila ni Sofia, na balita naman namin ay tipong may “something” ang dalawa.

As of this writing, walang ka-liga si Diego sa Star Magic na puwedeng maging bad boy ang image. Si Coco Martin naman, ang layo sa imahe ni Diego, dahil very positive si Coco sa publiko kahit aksyon na aksyon ang role niya sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”.

Hahahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleIndie film ni Joem Bascon na “Ang Tulay ng San Sebastian”, walang pokus sa pagka-horror
Next articleNikki Co, dapat tularan ng co-artists kung paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

No posts to display