Diego Loyzaga at Barbie Imperial magtatambal sa pelikulang ‘Dulo’

Leo Bukas
FIRST TIME na nagkasama sa pelikulang Dulo nina ng real life sweethearts na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Nagawang posible ang lahat ng bigyan sila ng pelikula ng movie na idinirek ni Fifth Solomon.

“Ako po sobrang saya, sobrang happy kasi sinabi ko naman po before na gusto kong maka-work si Diego. Sobrang happy and grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego.

Diego Loyzaga at Barbie Imperial magtatambal sa pelikulang 'Dulo'
Barbie Imperial and Diego Loyzaga

“Meron pa actually kaming gagawin sa Viva and happy ako na si Diego yung una kong nakasama,” masayang reaksyon ni Barbie sa ginanap na virtual conference n pelikula.

Aminado ang dating PBB housemate na nagkaroon sila ng adjustment ni Diego habang ginagawa nila ang pelikula.

“Yes, sobra!  Ako po sobrang nailang ako umakting kasama si Diego. Pero after ng ilang days naman nasanay na, mas madali na, okey naman na,” pagtatapat ni Barbie.

“Actually may time na hindi po kami nagpapansinan masyado nung mabibigat na yung mga eksena,” dagdag niya.

Sabi naman ni Diego,  “Parang totoong away kasi (yung mga eksena).  Siyempre kung ibang co-actress yung kasama ko tapos may confrontation scene kailangan yung huhugutan mo totoo. Eh, kami ni B (tawag niya sa girlfriend) since kami talaga, yung mga pinaghuhugutan namin totoo talaga, so iba yung bigat. Mas personal siya.”

Habang katsikahan ng entertainment press sina Diego at Barbie sa digital mediacon ng Dulo ay hindi rin naging at home ang dalawa na ipakita kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa. May time na kumakandong pa si Barbie sa dyowa at madalas ding  nag-aasaran.

Ano ba talaga ang nagustuhan ni Diego kay Barbie?

“Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na yung nakita ko kay B, sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children. Kailangan may ganoon siyang factor,” tugon niya.

Patuloy ng aktor, “And nakita ko yun kay B, really early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya — how organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.”

Dagdag ulit ni Diego, may ugali raw si Barbie na katulad ng kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Diego Loyzaga at Barbie Imperial magtatambal sa pelikulang 'Dulo'
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

“Makulit sila pareho in the sense na alam mo yung nanay, paulit-ulit may ipinapaalaala, ‘Anak, huwag mong gawin ito. Anak, gawin mo yan.’ Sobrang caring nilang dalawa and, yes, nakita ko yun sa kanya, especially with my past.

“I don’t know how much you know about my past or how much the public knows about my past, basta meron akong pinagdaanan noon, and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life,” lahad ni Diego.

Samantala, sa Dec. 11 ang first year anniversary nina Diego at Barbie bilang couple. December 10 naman ipapalabas sa  Vivamax ang kanilang unang pelikula.