Diego Loyzaga at Barbie Imperial inilantad ang relasyon sa unang araw ng 2021

Leo Bukas

Kung pagbabasehan ang photo na ipinost ni Diego Loyzaga sa kanyang Instagram account nitong unang araw ng 2021 ay halatang may relasyon na sila ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Sweet ang dalawa sa photo na kuha sa isang beach reasort sa Bohol kung saan sila nagbakasyon at hinihinalan doon na rin sinalubong ang Bagong Taon.

Diego Loyzaga at Barbie Imperial inilantad ang relasyon sa unang araw ng 2021
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

“Happy new year to us (with heart emoji) thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!!” post ng aktor.

Sa post naman ni Barbie sa kanyang IG account ay nakalagay ang pangalan ng isang luxury resort sa Bohol. May kuha rin ang dalaga sa swimming pool na si Diego ang photographer.

Ikinatuwa naman ng netizens at fans ang pagkakamabutihan nina Diego at Barbie. Isa rin sa natuwa ay si Sunshine   Cruz na gumaganap na ina ni Barbie sa afternoon series ng ABS-CBN na Bagong Umaga. Malapit din si Sunshine kay Diego dahil half-brother ito ng kanyang tatlong babaing anak na pare-parehong si Cesar Montano ang ama.

Huling nakarelasyon ni Barbie ang aktor na si JM de Guzman samantalang si Sofia Andres naman ang naging huling girlfriend ni Diego.