Diego Loyzaga at amang si Cesar Montano magsasama sa remake ng ‘Waway’

Leo Bukas
MATIPID si Diego Loyzaga sa pagbibigay ng pahayag sa kahulugan ng kumalat na litrato nila ng ex-girlfriend niyang si Barbie sa internet. Hindi rin niya ng direktang sinagot kung totoo bang nagkabalikan na sila ng aktres.

“I don’t wanna answer the question. We’re friends,.. we’re friends. No, Barbie and I we’re friends,” pahayag ng binata sa advance screening ng Vivamax movie na Adarna Gang.

Diego Loyzaga at amang si Cesar Montano magsasama sa remake ng 'Waway'
Diego Loyzaga and Cesar Montano

“We spent a very long time together imposibleng hindi kami maging magkaibigan. The respect is there and the friendship is still there, so, why not keep that friendship,” pagdidiin ni Diego.

Posible bang magkasama sila ulit?

Pabiro at natatawa niyang sagot, “Stop, bro! Ha-ha-ha. You gonna stop that. Ha-ha-ha!”

May reaksyon din siya kung applicable din ba sa kanya ang love is lovelier the second time around.

Ani Diego, “Let’s not all be hopeless romantic guys. Let’s respect each other, love each other. Ha-ha-ha!  Peace not war, you know.  I made peace with all my demons recently but most of them,  I love the fact that Dad (Cesar Montano) and I are good now.

“Why I want enemies? Why I want burn bridges? So, if Barbie and I are good and that makes me happy that we are and I want to keep it that way,” katwiran ng aktor.

Ibinalita rin ni Diego na magsasama sila sa pelikula ng ama niyang si Cesar. Ito raw ay sa pelikulang Waway na pelikula na ginawa ni Cesar noong 1993.

Si Toto Natividad ang director ng Waway pero sa remake ng pelikula ay  Roman Perez, Jr. ang magdidirek.

“Yes, puwede ko nang sabihin. Yes, confirmed!” nakangiting sabi ni Diego.

Sa Waway ay gagampanan ni Diego ang karakter ni Leonardo Delos Reyes alyas Waway. Wala naman siyang binanggit kung ano ang magiging role ni Cesar sa pelikula.

Sa tanong kung posible bang maging magkapareha ulit sila ni Barbie sa Waway na unang nangyari sa hugot film na Dulo ay napangiti lang si Diego.

“Yeah, puwede. Magkatrabaho, yes of course,” pahayag pa niya.

Streaming na ang Adarna Gang sa  Vivamax simula March 11. Ang pelikula ay pinagbibidahan din nina Coleen Garcia, Ronnie Lazaro, JC Santos at Mark Anthony Fernandez.

 

Previous articleJC Santos naging life-saver ang anak sa panahon ng covid-19 pandemic
Next articleTop 5 KDramas to Watch Out this March