Diego Loyzaga at AJ Raval magsasama sa mystery love story na ‘Death of a Girlfriend’

Leo Bukas

KAKAIBA at misteryosong love trip ang handog ni Yam Laranas sa kanyang Vivamax Original movie na Deathof of a Girlfriend na mapapanood sa Vivamas simula April 30.

Tampok ang dalawa sa hottest stars ngayon, na sina Diego Loyzaga at AJ Raval, ang Death of a Girlfriend ay isang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

Diego Loyzaga at AJ Raval magsasama sa mystery love story na ‘Death of a Girlfriend’
Diego Loyzaga and AJ Raval in ‘Death of a Girlfriend’

Nang hindi nakita ni Alonzo (Diego Loyzaga) ang kanyang girlfriend na si Christine (AJ Raval) papasok sa kanyang eskwela, nag-alala ito at naramdaman na may maling nangyari. May makikita siyang dalawang kahina-hinalang lalake na lalabas galing sa kakahuyan na madalas din daanan ni Christine.

Ang dalawang kahina-hinalang tao – isang forest ranger at isang drug dealer farmer, ay magiging prime suspects sa rape at murder ni Christine. Ilalahad nila ang kanilang mga kwento hanggang sa araw na nadiskubre ang katawan ni Christine sa kakahuyan.

Iimbestigahan din ng mga pulis si Alonzo tungkol sa kanilang relasyon ni Christine. Ilalahad ni Alonzo ang kanilang love story, at kung paano madalas nagiging sagabal ang dalawang suspek sa kanila.

Isa sa kanila ang nagsisinungaling, isa ay tinatago ang katotohanan, at isa naman ay gumagawa lang ng istorya. At isang tao lang ang tanging makakapagsabi ng totoo tungkol sa nangyari noong araw na yun sa kakahuyan, at iyon ay walang iba kundi si Christine. Sa pamamagitan ng forensic investigations, ilalahad ni Christine ang totoong nangyari sa kanyang pagkamatay.

Ang Death of a Girlfriend ay ang latest na pelikula ni Yam Laranas, ang direktor ng mga award-winning na thrillers at horror films gaya ng ‘Sigaw’ at ‘Aurora.’ Sa pelikulang ito ay sinabak naman ni Direk Yam ang genre ng mystery-love story, at kinuha niya ang promising actors na sina Diego Loyzaga at AJ Raval para sa lead roles.

Ito ang unang pagsasama sa isang pelikula nina Diego at AJ. Kaya naman bukod sa nakaka-intrigang kwento, ay kaabang-abang din ang on-screen chemistry ng dalawa.

Mapapanood din ang worldwide premiere ng Death of a Girlfriend sa  ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.