Diego Castro, nasa dugo ang pagiging broadcast journalist

ADVERTISING

Diego Castro, nasa dugo ang pagiging broadcast journalist

Diego-CastroISA NA ring ganap na newscaster si Diego Castro, anak ng yumaong award-winning broadcaster na si Angelo Castro, Jr.
Napapanood si Diego sa Why News, first English newscast ng UNTV, 7:30 to 8 p.m.
Aksidente lang pagpasok ni Diego sa pagbabalita sa TV. Ang asawa niyang si Angela Lagunzad ang mag-a-audition noon sa UNTV until sabihan siya ng head nitong si Danie Razon na bumalik para mag-news cast.
Hindi sanay sa Tagalog si Diego kaya sa English siya inilagay.
“Sinalang ako sa Tagalog, tinesting ako, medyo palpak, siyempre Tagalog ‘yon, eh. Hindi kasi talaga ako komportable sa Tagalog, eh. Hindi ko maintindihan ang mga words, eh, lalo na ‘pag reading, pero ‘pag conversation, okey lang. Pangit akong magbigkas ng Tagalog, eh,” sey pa niya.
Hindi raw pinangarap ni Diego na maging broadcast journalist. Pero naniniwala siya na nasa dugo nila ang pagiging newscaster.
“Dito kasi, parang I’ve found my calling, eh. I mean, one day pa lang ako, I’m enjoying it na. Siguro, nasa dugo talaga,” dagdag pa ni Diego.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING