Die Beautiful’s Christian Bables, talunan pero winner ang arrive sa EDDYS Award

ADVERTISING

Die Beautiful's Christian Bables, talunan pero winner ang arrive sa EDDYS Award

Die Beautiful's Christian Bables, talunan pero winner ang arrive sa EDDYS Award
Christian Bables

IT WAS NICE seeing Christian Bables at the EDDYS last night.

 
Hindi ko napansin na yong lalaking tumapik sa akin ay isang magaling na aktor sa pelikulang “Die Beautiful” na masasabing biggest break in his entire career.
 
Nakayuko ako habang nagte-text kaya hindi ko siya napansin na papalapit pala.
 
Si Christian ay nominated last night as Best Supporting Actor for his stunning performance as bestie “Barbs” ni “Trishia” (Paolo Ballesteros) sa super hit  na pelikula, kung saan si Paolo Ballesteros ang nanalo as Best Actor sa parahong pelikula kung saan sila nominado,
 
Konting kamustahan. Banggit ko kay Christian: ”Mabuti dumating ka. Mabuti at sport ka,” na ang tinutukoy ko ay yong ibang mga artista na naduduwag tuwing awards night na hindi sumisipot lalo pa’t alam nila na matatalo sila sa pagalingan ng pag-arte
 
“Oo naman Tito RK (tawag ni Christian sa amin). Alam ko naman na matatalo ako ni Kuya John Lloyd (Cruz); siya ba naman ang kalaban ko.
 
“Syempre John Lloyd yun,” pagmamalaki ng aktor sa kanyang kapwa aktor.
 
 Sa tuwing nakakasama si Christian sa mga ganitong mga tunggalian sa acting ay masaya siya. ”Syempre naa-acknowledge Tito RK ang effort mo na maging magaling sa ginagawa mo.
 
Die Beautiful's Christian Bables, talunan pero winner ang arrive sa EDDYS Award
John Lloyd Cruz, Christian Bables and the cast of ‘Finally Found Someone’

“Ang award na nakukuha mo ay bonus yun sa effort mo. Hindi ka naman aarte dahil gusto mo magka-award. Kaya mo gagalingan dahil passionate ka sa work mo,” sabi niya.

 
Malaki ang paghanga ng binata kay Lloydie kung saan sa bagong pelikula ni JLC at Sarah Geronimo na ”Finally Found Someone” ay mas humanga siya sa aktor nang mas nakilala ni Christian ang talento ni Lloydie kung saan bahagi din siya ng pelikula na magso-showing na sa July 26 mula sa direksyon ni Theodore Boborol na produced ng Star Cinema.
 
Sa bagong romcom ng inaabang-abangan na love team on screen nina JLC at Sarah ay makakasama nila sina Yayo Martinez at Joey Marquez.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING